Nanunuod kayo ng ANG PINAKA? Tuwing Linggo ito ng gabi sa Q. Minsan OK talaga ang mga topics. Last Sunday, ang topic nila ay "Ang Pinaka-Accident-Prone na Kalsada (in Metro Manila)". Ibig sabihin ng Kalsada ay puwedeng Street, Avenue, Boulevard, bawal lang Express at tollway.
Ang paliwang ng mga taga DOTC, nung umayos ang kalsada, dumami ang aksidente =). Example, dati raw ang Roxas (or Dewey) Boulevard, wala namang aksidente, pero nung naayos ng husto. Ayun! dami ng aksidente.
Nagulat ako na #3 ang Alabang-Zapote Road. What??? Paano nangyari yun, e di naman umaandar mga sasakyan dun hahaha.
Ang matindi rito ay ang TRIO ng kalsadang Quirino Highway-Marcos Highway-Commonwealth. Di po ba isang kalsada lang iyon? Ayun naka-hiwalay pala ng 3 segments.
Di ko alam kung saan ang Radial Road 10. Saan po yun?
Top 10 na Ang Pinaka-Accident-Prone na Kalsada sa Metro Manila
10. Radial Road 10
09. C-5 Road
08. Marcos Highway
07. Roxas Boulevard
06. McArthur Highway
05. Quezon Avenue
04. Quirino Highway
03. Alabang-Zapote Road
02. Commonwealth Avenue
01. Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)
2 comments:
Tama ba ang nakikita ko na wala ang Rizal Avenue dito? haha nung nagd drive ako feeling ko, pag makapag drive ka sa Rizal Avenue ay expert ka na!
Oo nga ano. Grabe dun sa Rizal Ave. actually buong Rizal Avenue, grabe. Pero baka kaya nga ganun - kasi matraffic dun sobra - so wala masyado accidente. Saka dami stoplight dun di ba?
Post a Comment