Alam nyo bang dati ay wala namang Eleksyon para sa PB President? Korek! Dati, lahat ng PB Presidents ay appointed. Nagsimula lang naman ang PB Eleksyon nung 1998.
Bago magkaroon ng demokrasya, nag-uusap lang ang mga nagpapa-pila at pina-pagtrip-an ang mga pumipila. Kung sino piliin nila - yun na ang President! Bawal tumanggi. Well inisip lang namin na bawal tumanggi, kasi nga baka mawalan pa kami ng pila. Mahirap na.
Kaya, ang unang elected President ng PB ay si Tito Par nung first Democratic elections nung 1998 =).
Nung una ko naging presidente nung 1990, naiyak nga ako sa sobrang buwisit. haha. Paano, gagawin kang Presidente tapos lahat naman ng ginagawa mo kinokontra. Muntik na ko talagang mag-resign! Buti na lang kinausap ako ni Sr. Vicky nung Dec 24 at ininspire. After nun, natuto na ko. Lahat sila sumusunod na sa akin! Ako yata presidente =).
Kilala nyo na sila. noh! Dahil dekada na lumipas, ganun pa rin sila hanggang ngayon! Itago na lang natin silang "Kontra Brigade" - Tito Par, Tita Edith, Sr. Vicky at Tito Jorge. Sila TIto Boyet, Tito Jim, Tita Ate, Tita Yet - mga mababait. Sila Tito Egay, Tita Eyan, Tita Tetes e kasama namin yan sa pumipila.
Ang mga kontra brigade, di mo talaga alam ang gusto. Lahat ng sinasabi mo kinokontra. At pag di naman kumokontra, salita ng salita na wala naman sa topic! Sobra papansin hahaha. Nakaka-lurkey talaga mga yan. Makapang-inis lang talaga lahat gagawin. Uubusin ang pasensya at katinuan mo.
Pero totoo rin, parang mas tumindi pa ang Kontra Brigade ngayon. Si Sr. Vicky lang ang natanggal, pero ang dami namang pumalit. Ewan, so para mo lang mapa-behave ang mga yan, e achievement na. Mahirap talagang maging President.
Good Luck talaga! Dahil ako nga Kontra Brigade na rin ngayon =).
No comments:
Post a Comment