Lahat Panalo sa Bday Party ni Tita Ate!!!
Paano ba naman, ang dinner namin ay sa Red Crab. Treat ito ni Tita Egay. So sosyal at ang dami ng food. Meron kaming 3 different Kilawin Tuna Appetizers. Meron pang Tuna Sinigang at ang malinamnam na Seafood Bicol Express. At since Red Crab yun, umorder si Tito Egay ng 3 klaseng crabs - Singapore Chilli Crabs, Garlic Crab at Szechuan Crabs. Lahat masarap.
Oo nga pala, meron daming Deep Fried Hito =). Para po maisulat sa record ng kasaysayan. Totoo po yan, umorder po ng Hito si TIta Yet sa Red Crab ng Republiq!!! Ihinalintulad po ito ni Tita Edith sa pag-order ng Chicken Pork Adobo sa Shangri-la. Sabi naman ni Tito Jim, talagang taga-Gapan si Tita Yet! We will never forget Tita Yet's Hito.
Naunang dumating sa Red Crab si Tito Egay & Tita Dang, Tita Ate & Tita Edith. Mga 7:45 dumating na sila Tiyong, TIto Jim, Tita Yet, Tito Ido, Tito Ayo, JayE, at Shiela. Then dumating na si Tito JOrge and Tita Helen. Later, dumating din si Tito One. Ang dami namin ano!?!?!
Nag-coffee at drinks kami sa Bar360. OK kasi ang show dun. Panalo ang mga acrobats. Sabi ko nga kay Tito JOrge, gawin nila ang mga stunts with Tito Jim sa Christmas. Mga 10pm ata dumatin si Tita Bhogs at Tito Par. MOnday kasi is Oasis Bowling NIght, so tumakas sila after 2 games.
Tagal din naming tumambay at nanuod ng show.
Mga 12 natapos ang show, at umalis na rin si Tita Edith with Tito One. Para sa mga naiwan, tuloy na ang saya. Di masyado nakalaro si Par, kasi nga di ba ang Polo Shirt niya may malaking nakasulat na Oasis of Love. Alangan naman!
Huwag na po natin pag-usapan ang mga detalye =). Ang masasabi lang - EVERYBODY HAPPY.
Thanks ulit kay Tito Egay para sa kayamanan na Red Crab at kay Tito Ido para sa Bar360.
Happy Birthday ulit Tita Ate! Sana nag-enjoy ka sa iyong bday bash.
6 comments:
parang alam ko kung saan yung Bar360...hehehe...wow...inggit ako!!!
pag umuwi kami ni charisse dyan sa pinas after nya manganak eh punta din kami sa Bar360 at cyempre sa paligid nung Bar360...hehehe
sayang bakit sana nagpunta din tayo dun sa Bar360...ano ba un???
Wow, ang saya!!!
ay naku. this is one of my most unforgetable birthday ever. sabi nga ni jim BONGGA at KUMPLETO. Maraming salamat sa lahat ng dumating kahit alam kng pagod sila galing sa kanya-kanyang trabaho. siyempre sobrang maraming salamat sa nag-treat kay EGAY at IDO. inggit yung iba. AMININ. . .
Ninang tetes, kung hindi ako nagkakamali eh yung Bar360 eh bar sa loob ng RW at sa gitna mismo ng laruan. At meron entertainer lage sa stage like singing,dancing at acrobat.
Thank you, din! Ang saya ng happenings at ang sarap ng crab at hito!
Post a Comment