1) Madaling ma-distract. Makakalimutin. Sabay-sabay gumagawa ng mga bagay-bagay.
2) Nahihirapang mag-focus sa isang bagay o isang gawain
3) Madalaing ma-bore kahit sandaling panahaon lamang.
4) Nahihirapang mag-organize at magtapos ng mga gawain. Maraming nasisimulan, konti ang natatapos. Madalas nawawalan ng mga maliliit na gamit (lapis, ballpen, notebook)
5) Di makatagal makinig kapag kinakausap.
6) Nahihirapang sumunod sa mga detalyeng instructions
7) Di mapakali sa upuan - sa school, sa trabaho, sa hapag-kainan.
8) Pag nagsalita, nahihirapang tumigil
9) Di mapakali. Nilalaro, hinahawakan ang anumang bagay at lahat ng bagay na makita.
10) Parang kiti-kiting gumalaw.
11) Maikli ang pasensya
12) Kung anu-ano ang sinasabing mag-isa
Ganito ba kayo? O meron ba kayong kilalang PB na ganito? Ganito ba ang mga anak ninyo?
Kung meron, WELCOME sa aming mundo =). Sa mundo ng merong ADHD. Di naman ako clinically diagnosed with ADHD - kasi wala pa namang ganyang dati. Pero one-time nung nag-pa-annual check-up, sinabi ng doktor na meron daw akong ganun at mabuti kaya kong ma-handle. Syempre natawa ako ng sobra.
Mahirap magkaroon ng ADHD bilang estudyante, at mas mahirap mag trabaho sa opisina ang merong ADHD. Hanggang ngayon meron akong ginagamit na techniques para tumagal ng meeting na 1 oras. Dahil madalas, 3 minutes pa lang gusto ko ng lumabas. =).
Mahirap magkaroon ng ADHD sa Pilipinas, dahil di pa tayo scientifically advanced. So malamang tatawagin kang Kiti-Kiti, Di Mapakali, o May Topak.
So kung merong kayong ganitong sintomas o merong kakilalang ganyan, kelangan ng extrang pagpapayo at extrang pag-intindi =).
3 comments:
marami sa PB na ganyan. yung di mapakali
Oh wow, eksakto din sakin ang dinedescribe mo, haha. Tanungin mo si ma. Kawawa naman si ma pag kausap tayo. It runs in the blood! Baka milder lang ng kaunti ang sakin :D
Oo nga, kawawa naman si Ma =). Pero Che, di ka ganyan nung bata ka, nung maliit na maliit pa ah. puwede ka kasing tumahimik sa isang sulok. so baka na-acquire mo lang
Post a Comment