Malamang nabalitaan nyo na ang 5 kabataang Americano na naging biktima ng Cyber Bullying. Eto yung pananakot at pang-harass sa paggamit ng Facebook, blogs o iba pang uri ng social networking. Ang malungkot dito - ang 5 kabataang ito ay nagpakamatay, dahil dito.
Dumarami na rin ang mga kaso ng Cyber Stalking. Eto naman ang pagsunod, pagmamatyag, at panghaha-rass sa isang tao gamit ang impormasyong nakukuha sa internet. Nung una mga artista ang biktima, pero nung malaunan maski na hindi mga celebrities ay nabibiktima na rin. Ang masama, umabot na sa Pilipinas ito at meron ng naitalang 100 kaso ng Cyber Stalking at Cyber Bullying sa Pilipinas.
Kaya, mag-ingat tayo. Internet is here to stay, di na puwedeng maialis ito sa buhay. Dapat makibagay upang maiiwasan ang Bullying at Stalking.
Eto ang mga payo:
1) Huwag ilagay ang buong kaarawan o birthday sa Facebook. Month and date is OK, huwag na year.
Ex. Ilagay lang ang October 30.
2) Huwag ilagay ang buong address sa Facebook
Ex. Sabihin lang na: Santan o kaya Germany. O kaya naman Las Pinas.
3) Iwasang maglagay ng larawan ng bahay mula sa labas. Kaya na kasi itong i-google-maps.
Ex. Huwag mag-post ng picture ng bahay na buong-buo, mula sa labas.
4) Huwag mag-announce ng bakasyon lalo na kung walang maiiwan sa bahay.
Ex. Kung alam na nila ang itsura ng bahay mo, tapos alam din nila na wala ka sa bahay...hmmm.
5) Celebrate in Past Tense. Ibig sabihin iwasang magsabi na pupunta sa isang lugar na merong eksaktong address. Sabihin na lang pag nangyari na.
Ex. Here are the pictures from last week's party or last week's party. Huwag yung - magkita-kita tayo sa Red Crab sa 2/F ng REPUBLIQ sa Resorts World Manila (tapat ng NAIA 3) sa ganap na 7pm. I-text na lang ang detalye.
6) Iwasang ibigay ang buong email address sa blogpost, IM, facebook.
Ex. I-text ito o i-private email.
7) Huwag i-friend ang di mo kilala. Huwag tratuhing contest ng paramihan ng friends ang Facebook.
I know parang praning. Medyo exag din. Exercise good judgment na lang siguro. At laging isiping maraming puwedeng makakita sa inyong mga personal information.
Ingat!
No comments:
Post a Comment