Wednesday, October 20, 2010

Kung walang Video at Internet

...malamang di sisikat ang Justin Bieber na yan.  Imaginin nyo dati na radyo lang ha.  So boses lang ha, di papatugtugin mga kanta niya.  Pero iyon na nga, magaling kasi siyang sumayaw at maayos ang itsura.  Pero boses, naku ka-timbre nya si LA Lopez.  At ang mga kanta nya?  Utang na loob!

...di ko sure kung sisikat si Lady Gaga.  Kasi di naman makikita ang bikini-tangga outfit nya at ang kanyang mga costumes.

So korek, merong "ganda" at "pogi" o "stylish" requirement ang pagiging singer ngayon.  Kaya nga sikat sila Rihanna, Usher, Beyonce.  Sisikat kaya sila ng ganyang ka-sikat kung walang video at internet?

Sa ngayon, puwede ka lang sumikat na singer (kung di ka maganda/pogi/stylish kung galing ka sa talent competition.  Anyway, pang-matandang taong point of view ata ito - iyong mga sanay na merong kuwenta ang mga kanta at may boses ang mga singers =).

Kakalungkot lang pag inisip, sisikat ba sila Billy Joel kung nagsimula siya sa Internet Generation?  Pati na rin Simon & Garfunkel, at baka pati si Dionne Warwick at Aretha Franklin.  Oh no, pati pala si Carole King. Nakakapanghinang isipin =).

2 comments:

Evot said...

Kung walang internet eh hindi makikilala si charic pempengco kasi di ba nga sa youtube lang siya nakilala.

virus said...

Kung walang video at internet walang gaanong delinquency problems esp.among students. Walang magsasabunutan sa harap ng teacher (d ba ate?)walang uumagahin ng uwi sa kakainternet, walang mararape pag nag eyeball na walang bullying and so forth and so on...

dapat sana sa mas productive nagagamit yang internet na yan