Friday, October 22, 2010

Nakita mo. Sasabihin mo?

Halimbawa lang ito ha.  Pramis!  Halimbawang nakita ko si PB-1 may kasamang ibang babae/lalaki - e tatlong beses na.  Same person ha.  At halimbawa ulit sa isang lugar na kakaiba, lugar na ewan kung bakit siya pupunta dun.  Ano ginagawa ko dun?  Paki nyo, wala akong asawa't anak ano hahaha.

Anyway, nalito na ko.  Ah, OK.  Dapat ko bang sabihin kay PB-1?  sa asawa ni PB-1?  sa girlfriend/boyfriend ni PB1? 

Sobrang daling tumahimik.  Pero yun ba ang tama?  Kayo, kung makita ko ang asawa/boyfriend/girlfriend nyo na may kasamang iba at isang lugar na di sya dapat andun, sabihin ko sa inyo?   O huwag na lang?

Sinabi kong halimbawa lang ito, ano =)

4 comments:

tito jim said...

ido sino ba yon ? text mo lang sa akin ha ha ha ! kasi depende sa person involve ? sino ba yan 1g,2g,3g ? dami tanong noh

nagtatanong said...

Si J_M_Y ba yon?

Mwahahaha

sawsawera said...

Kung taga PB? Ay naku sasabihin ko no! sasabihan k siya, asawa niya, girlfriend/boyfriend niya. Bahala siya mamroblema!@@

Ikaw b un jim, umamin...

tito jim said...

uy di ako yon ! di nga ako nakakalabas ng bahay ng walang chaperon , sa reunion namin si joshua kasama ko , sa pag hahanap ng venue si asley naman kasama ko , sa tayabas naman si tyong , kahit may kasama ako chaperon tinatawagan pa nga ako sa cell para i check , at di ako makatakas madami bantay dito sa bahay , si john john at si jack , ay ang lupit ng kapalaran !!!