As expected, ang daming umattend sa bday party ni Tita Edith. Marami rin kasing guests from Southville, siguro almost 40 people. Tapos siyempre ang mga taga-PB came in full-force.
Past 11 na nag-start ang blessing ng bahay. Pero maikli lang naman ang ceremonya. Ang daming paagaw na pera!!! Si Denniel nga at Andrei parehong andaming nakuha, lagpas 100 at lagpas 50 pesos, respectively.
Ayos and decor ng bagong lugar - bonggang bongga nga e, parang may kasal. Catered ang food - at ang dami! Merong salad, merong fish, beef, chicken, pork. And Ate Edith ordered special lechon from Cebu, na talagang sinundo pa sa airport via Cebu Pacific. At dahil naligaw din isang "baggage", sa PAL airport naman sinundo ang Grilled Tuna and Bihod from Davao. O di ba sosyal? Pati mga ulam e sinusundo sa airport.
Tita Ate prepared an astig macaroni salad, and TIta Eyan prepared leche flan for dessert.
After lunch, naku wala pong katapusang kuwentuhan. At ang pasimuno? Huwag pong magulat...si Tiyang! Gusto na kasi niya na mag-eleksyon na kanina mismo. Kasi nga raw, baka marami ang wala sa Nov 1, so sana raw mag-meeting na kanina. Na siyempre nagdulot ng mahabang diskusyon tungkol sa impeachment process, vacancy of presidential position, Role of Sandigambayan, Referendum at kung anu-ano pa. Sa dulo, wala pong eleksyon naganap =).
Nagsimula ng mag-uwian ng mga bandang 7pm. Napag-agreehan to meet tomorrow again, because it is Tita Ate's bday naman.
Happy Birthday ulit Tita Edith!
No comments:
Post a Comment