Thursday, October 14, 2010

Extra Challenge and Promises

Minsan nabibigla ako ng mga na-pro-promise ko pag merong mga bday at pag merong naghahamon sa akin.  Hahaha.  Para malinaw at ng walang kalimutan, here they are:

For Camae:  Trip to Paris to buy her Louis Vuitton Bag
Condition:  Before 25 years old 
1)  Graduate from College
2)  Not Married
3)  No Children

For RapRap:  Brand New Motorcyle
Condition:  Graduate High School Valedictorian

For Kriza and Ayka:  Actually wala namang akong specific na prinomise nung debut nila.  Pero ganito na lang.  Trip for the two of them to Asia. 
Condition: Both of them,  All or nothing.  Before 27 years old
1) Graduate from College.  Check!
2) Not Married
3) No Children

For All PB 3G:  Graduate Summa Cum Laude from College.  Wala papo kasi sa ating Summa Cum Laude.
Prize:  Sabihin nyo na lang kung sasali kayo ha, tapos sabihin nyo rin ang iniisip nyong gustong prize=).  Pag-usapan natin hehe 

For Tita Yet:  Trip to Spain
Condition:  Huwag umorder ng Hito sa isang sosyal na restaurant before October 12, 2010.
Sayang naman di pa umabot. 
Haha, joke!  Eto talaga.

For Tita Yet:  Sobrang concerned si Tita Yet sa sakit ko last week.  Kesyo magpa-check-up na raw at mag-pa-blood test.  Pero sabi ko sa kanya na inupdate ko ang Last Will and Testament.  Sabi niya sa akin, gusto raw sana niya ay Laptop.  Sabi ko, Laptop lang pala, sure!  Ma-EXCITED ba sya?  Aba ngayon gusto na nya ako mamatay!
So,
Prize:  Brand New Laptop
Condition:  Mauna ako kesa sa kanya.  Ano ba tong si Ate Yet, kakaiba.


Meron po ba kong nalimutang promises?

11 comments:

Evot said...

Eh paano kung meron magbigay ng laptop ka tita yet? Laptop pa din kaya yung gusto nya? Nagtatanong lang ako huh...hehe

Evot said...

Wala bang ibang prize para sa mga graduate na?

Darwin's Theory said...

hehe. di puwede ang retro reward - dapat challenge =)

tita yet said...

wow! Evot, surprise! pwede namang totohanin. para k na, baka kc mauna ko kay ido eh di matutupad ang laptop.

kriza said...

ninong ido sbi mo 25 y/o, not married & no children yn po ung condition nyo s amin ni aika...
san po b s asia?ASIAN Tour b po yn?...hehe ^_^

ido said...

Hi Kriza, may evidence ka ba na sinabi kong 25 y/o? Hahaha.

Binago ko kasi, parang ang dali naman ng challenge. E ilang taon na ba kayo ngayon? Unlike Carla for example na 7 years ang challenge.

O sige, mabait naman ako. Gagawin na nating 26 years old ha? Agree na tayo? pero kelangan dalawa kayo ha. Pag may isang hindi, wala ng challenge.

Agree?

Thanks!

evot said...

Tita yet, wala ako sinabi na ako ang magbibigay ng laptop...hehehe...
Kriza, super dali lang ng challenge ni tito ido so I think kayang kaya nyo yan... before you get married and have children eh dapat stable na kayo sa work/income nyo...so ang challenge na 26years old eh super dali lang nun...ilang years na lang yun...hehehe

ate said...

sa akin ba wala kang challenge ido. pwede ka pa rin naman nmagbigay ng challenge sa 2g. sigurado ako call ang mga yun. alm mo naman ang 2G. ever ready sa mga challenges. dami na yata nilang nalagpasang challenges sa buhay and yet they survive. ha ha ha ha.

tita tetes said...

oo nga tito ido, agree ako sa ate. di ba kasama ang 2g??? ako ang wish ko lang eh maka-uwi ulit ng pinas at makasama kayong lahat ng 3 to 5 times...so parang trip to manila at hindi naman sunod-sunod na taon. mga every two to three years ang pagitan. kasi pag every year baka mawalan na ako ng work, d b? ano ba ang challenge pag ganyan ang wish???

kriza said...

@tito ido:yup i have witness but i'll stick with your challenge ninong ido 26 y/o agree na po,hahaha...5 years from now,so good luck sa amin ni aix...
@kuya evot:i don't know kung madali we'll never know the future,but for now madali pa sakin kasi wala pa din me bf as in NBSB parin me lol...

evot said...

madali lang yun kriza... 5 years na lang pala so kayang kaya nyo yun...magbantayan kayong dalawa ni aika para after 5 years eh meron na kayo asia trip... suggestion ko eh Japan, China, Singapore, Malaysia asia trip ang piliin nyo...