Monday, May 3, 2010

T-Shirts on Day 1

Day 1 was definitely the most "relaxed".  Di pa ganun ka-hectic ang schedule.  Di ba nga meron pang nakapa-massage.  Still marami ring highlights ang Day 1.  Alam nyo naman sa malaking trip, ang pagka-enjoy ay depende sa kasama.  Sa mga hiritan pa nga lang enjoy na.

One of the highlights of Day 1 was the debut of our PB Shirts.  Very good idea talaga.  Again, many thanks to Tita Eyan for the design.  And super thanks to Tito Jim and Tita Vangie - nilibre na nila ang T-Shirts.  Yehey.  At ang babango talaga ng t-shirts ha, inferness.

PB 2G G2Palawan - Dinner @ Ka Lui

Nung-dinner, tri-neat ni Tito Ido ang 2G sa Ka-Lui.  Isa ito sa mga pinaka-popular na resto sa buong Puerto Princesa.  Nakalagay nga ito sa Lonely Planet Guide.

As always, ang sarap sarap ng dinner.  We had:  Grilled Tuna, Sauteed Kangkong, Buttered Prawns, Grilled Squid and the house special - Seafood Sisig.

For Drinks, karamihan sa amin umorder ng Fresh Buko. 

Hmmm.  Ano ba talaga meron sa entrance  na ito, at pakuha sila ng pakuha ng picture?


Relaxing before dinner is served. Sobrang hectic kasi ng schedule on Day 2.




 
(pang-picture lang yan ni Tita Yet, e Avocado shake kaya ang inorder nya)
*********

After Dinner, iba't iba ang ginawa ng mga 2G.  Merong mga nagpa-massage sa kanilang kuwarto.  Merong naglakad papunta sa "nawalang beach", dahil low tide.  Meron ding nag-mahjong.  Merong nag-poker. At meron ding natulog na.  Paano, ang call time for breakfast the next day ay 6am.

PB 2G G2Palawan - City Tour

After Crocodile Farm, nagpunta pa kami sa iba pang destinations:

  • Iwahig Penal Colony - pinakamalaking kulungan sa buong Pilipinas
  • Sta Monica Ranch - pagma-mayari ng pamilyang Mitra na merong napakagandang view of the city
  • Baker's Hill - bilihan at tambayan habang kumakain
  • Binwatan Creations - mga hinabing native goods
  • Tiannge - napaka-importanteng site sa Palawan



2G at Sta. Monica Ranch - with wonderful view of the city

What was Sr. Vicky's favorite food of the entire trip?  Halo-Halo at Baker's Hill


Pekeng Ibon


Sinubukan ni Tita Ate ang paghabi




Masarap ba ang outing pag 2G lang, Ate Edith?  Enjoy ka ba?

PB 2G G2Palawan - Day 1 City Tour @ Croc Farm

Kahayupan ang major theme ng aming Day 1 City Tour. 

1:00 PM.  Busog from lunch, bumiyahe na kami para sa aming City TOur.  Dalawa ang aming vans na ginamit at ganito kami:

Van 1:  Edith, Ate, Sr. VIcky, Jim, Vangie, Ido, Ayo, Che
Van 2: Par, Bhogs, Egay, Dang, Helen, Jorge, Yet, One

So I guess, alam nyo na ang mga pinag-uusapan sa bawat van.  Iyong isa, sobrang intellectual - historical, geographical, anthropological, zoological.  Obviously, puro nakatulog ang mga sakay dito.

Iyong isa van naman.  Ang mga topics ay mostly showbiz, joke delivery, anatomy (pagsusuka, pag-utot, pag-ebs).  Kaya, humilab ang tyan ng mga nakasakay sa 2nd Van.

We arrived at our first destinationation at 1:45pm.  It was at the Crocodile Farm.


MANA SA AMA
(Dito pala nagmana si Kriza sa pagkain ng mga hayop sa picture)


STRESSED
(ang pinakamalaking buwaya sa Pilipinas ay namatay dahil sa "stress" dulot tao.  Ang mga na-stress napupunta sa pader)


PA-IN

(Si Tito Egay po mismo ang naglagay niyan)


ATAPANG ATAO

(With Tito One, sinasampolan tayo ni Tito Jim ng kanyang katapangan)


MACHO MAN
(Buwaya lang yan ano, di ako takot)


CROCODILE DUNDEE
(DI ako takot ano! - slight lang)

TOTOO
(Nyay! totoong bwaya po talaga ang tinitignan nila)

PB G2Palawan - Day 1 Lunch

Dalawang vans ang nag-pick-up sa amin sa airport.  The drive from the airport to the hotel took a little more than 30 minutes, medyo traffic din kasi.

Ano ang unang gagawin pagdating sa Hotel?  Mag-check-in?  Mag-CR?  hindi po!  Magpa-picture, syempre!  Nakita nga kasi namin ang Microtel Welcome PB 2G sign, so pa-picture muna kami dun. 


Di pa rin kasi puwedeng mag-check-in dahil maaga pa.  So tambay-tambay muna.  Pag dating ng 11am, nag-set-up na for lunch.

Ang first 2G mean ay Lunch of Luxury.  Ang pri-nepare kasi ni Tita Edith ay lunch by the poolside which is also in front of the beach.  At syempre sosyal din ang mga pagkain.

For Appetizers, nagdala si Sr. Vicky ng Pistachio from Rome.  Ewan nga ba kung gutom na talaga ang mga 2G, o nun lang nakakita ng pistachio, halos maubos na kasi.  Sabagay ang sarap naman kasi talaga - iba ang lasa.



Malapit kay Tito George ang Grilled Tuna, Pinakbet at Grilled Squid.  Bukod dun, meron pa kaming Ginataang Squid, Fried Chicken, Crispy Pata at Lechon.  Grabe ano!



Syempre masayang masaya ang 2G dahil sa masarap na lunch.  Thanks ulit kay Tita Edith.  Tinanong sila kung na-mi-miss na ba nila ang 3G, during lunch?  Nasa ibaba ang sagot nila. 



PB 2G Goes to Palawan - Day 1 @ Airport

Our trip to Palawan literally started at 12:01AM on Day 1 - April 30.  Kasi sinundo kami ni Tito Egay at Tita Dang sa Binan.  Mahirap na kasi ang matraffic sa SLEX pag-rush hour =).  Totoo po, yon talaga ang dahilan.

Tumambay kami malapit sa airport - dun sa tinatawag na House of Prayer.  Dami po nagdadasal dun e.  Mga 5:30 nag-text na si Par at naghahanap na ng mga tao.  So tumawid na kami, and to our surprise.  Sobrang dami ng 2G dun.  Grabe naman sa excited.  Sila Tito Jim nga at Tita Vangie, 5am pa lang daw asa airport na.

By 6:20am, asa counter na kami lahat at nakapila na.


Pinagdiskitahan ng mga alaskador ang maleta ni Par. 
(ayan, niluwagan ni Tita Bhogs and zipper para makahinga naman ng konti si Kriza)


Boarding was on-time.  And departure was on time.  Ang mga mababait, nilagay sa harap ng plane - nilapit kay Sister Vicky..  Yung mga hindi, inilagay sa kusina - inilapit kay Lord.





We arrived at the Puerto Princesa Airport ahead of schedule.

Pagkababa namin from the tarmac, we were in for a big surprise, courtesy of Tita Edith staff from Standard Insurance in Puerto Princesa.  Talagang VIP welcome.



All of us were given a cool Palawan necklace.  At talagang specially-made for PB as you can see.



One more photo session, bago pa man kami pumasok sa baggage area.


Part of the VIP welcome - di na kami naghihintay sa luggage carousel.  Iyon bang tatambay ka sa pagdating ng maleta, at makikipagsiksikan sa paghintay ng bagahe.  Naku di na namin ginawa iyon.  Nagpicturean na lang kami sa labas, habang hinihintay ang maleta namin.  Sosyal talaga.  Many thanks sa mga staff ni Tita Edith for the warm hospitality.  Biruin nyo 15 minutes pa lang kami sa Puerto Princesa - sobrang positive impression na kami.


Paano sasabihin na nagpunta ka sa Palawan?

Discrete.  Yan ang sikreto ang tamang pagmamalaki na nanggaling ka sa Palawan.  I mean, puwede mong isuot ang Avocado Green PB 2G shirt mo, that is a give away.  Pero parang nakakahiya naman (iyong pagmamayabang, at konti na rin ang kulay). 

So, 1st day ng office, work, business tomorrow, so paano mo ba mapapaalam sa iba na nag-weekend ka sa Palawan?

EASY APPROACH
Either namumula ka, nangingitim o nag-vi-violet.  May nagtanong sa iyo:
"So how did you get your tan?".

Ayan na ang chance.  Ikuwento mo na ang mga ginawa mo mula Day 1 hanggang Day 3.

MEDIUM APPROACH
Tanghali na, wala pang pumapansin ng pamumula mo.  E atat na atat ka ng magkuwento tungkol sa Palawan, ano ang gagawin mo?  Ayan, lunch na, ang kasamahan mo sa trabaho ay kumakain ng baon.  Chance!

Ikaw:  "Uy, what is your baon?"
Ka-trabaho:  "Ah, isda po"
Ikaw: "What kind of isda"
Ka-trabaho: "Galunggong po".
Ikaw: "Oh!  Gah-lung-gowwng, I thought it was tuna.  You know, over the weekend we had tuna for lunch on Day 1 and dinner on Day 2".
Ka-trabaho:  "Ah ok"
Ikaw:  "Oh yes, buti naman tinanong mo, kasi asa Palawan kami ng Cuzins ko buong weekend.  17 kami, at 3 days kami dun".

Intro

Sa Airport

1) Ginulat ang lahat dahil dumating siya before 6am.  Hindi na siya puwedeng tawaging - the Late Tito Jorge.

2) Ginulat ni Par ang lahat sa dala niyang maleta.  Sabi nga ni Tita Edith, " Par luwagan mo ang zipper dahil hindi makahinga si Kriza sa loob ng maleta"

3) Ginulat ang PB 2G sa napakagandang welcome mula sa mga taga Standard-Puerto Princesa.  Maski iba yung kay Ma'am Idit, ang ganda naman nung sa amin.  Maraming salamat!

Sa Hotel
4) Sino ba talaga ang umorder ng Lapu-Lapu?

5) Kakaibang alat ang dulot ng Pistachio na galing Roma.  Salamat Sr. Vicky

6) Maraming salamat sa napakagandang ambience at pang-fiestang lunch, Tita Edith.  Eating Crispy Pata, Lechon, Grilled Squid, Prawns, Tuna at marami pa - sa poolside ng hotel kaharap ng very unique beach.  Iyan ang ala-alang hindi kayang i-Facebook.

City Tour
7) Priceless - ang reaksyon ni Tito Jimmy habang hawak ang buwaya.  Talagang nawala po ang pagka-astig niya.

more to come