Monday, May 3, 2010

PB 2G Goes to Palawan - Day 1 @ Airport

Our trip to Palawan literally started at 12:01AM on Day 1 - April 30.  Kasi sinundo kami ni Tito Egay at Tita Dang sa Binan.  Mahirap na kasi ang matraffic sa SLEX pag-rush hour =).  Totoo po, yon talaga ang dahilan.

Tumambay kami malapit sa airport - dun sa tinatawag na House of Prayer.  Dami po nagdadasal dun e.  Mga 5:30 nag-text na si Par at naghahanap na ng mga tao.  So tumawid na kami, and to our surprise.  Sobrang dami ng 2G dun.  Grabe naman sa excited.  Sila Tito Jim nga at Tita Vangie, 5am pa lang daw asa airport na.

By 6:20am, asa counter na kami lahat at nakapila na.


Pinagdiskitahan ng mga alaskador ang maleta ni Par. 
(ayan, niluwagan ni Tita Bhogs and zipper para makahinga naman ng konti si Kriza)


Boarding was on-time.  And departure was on time.  Ang mga mababait, nilagay sa harap ng plane - nilapit kay Sister Vicky..  Yung mga hindi, inilagay sa kusina - inilapit kay Lord.





We arrived at the Puerto Princesa Airport ahead of schedule.

Pagkababa namin from the tarmac, we were in for a big surprise, courtesy of Tita Edith staff from Standard Insurance in Puerto Princesa.  Talagang VIP welcome.



All of us were given a cool Palawan necklace.  At talagang specially-made for PB as you can see.



One more photo session, bago pa man kami pumasok sa baggage area.


Part of the VIP welcome - di na kami naghihintay sa luggage carousel.  Iyon bang tatambay ka sa pagdating ng maleta, at makikipagsiksikan sa paghintay ng bagahe.  Naku di na namin ginawa iyon.  Nagpicturean na lang kami sa labas, habang hinihintay ang maleta namin.  Sosyal talaga.  Many thanks sa mga staff ni Tita Edith for the warm hospitality.  Biruin nyo 15 minutes pa lang kami sa Puerto Princesa - sobrang positive impression na kami.


1 comment:

evot said...

natawa naman ako sa tinambayan nyo tito ido... kung sa bagay eh meron simbahan sa harap ng terminal 3 at cyempre nandun din ung RW...hahaha... so tumambay kayo sa "House of Prayer" eh malamang sa simabahan un..hehehe..