Si Chanel ang pinakabatang 3G sa ngayon (kanino kaya ang susunod hmmm). Ang panganay na 4G ay si Ashlie na Grade 2 na. Which means Tita ni Ashlie si Chanel.
Actually, Tita rin ni Andrei, Ian at Kacey Fae si Chanel. It would be interesting paglaki nilang sabay-sabay. So pag 12 years old na si Chanel, 20+ na si Ashlie, pero tatawagin ni Ashlie na Tita si Chanel. At dapat mag-po at opo ang 4G kay Chanel. So malamang na mag po at opo ang may trabahong si Ashlie sa Grade 6 na si Chanel. Mwa hahaha. Anong kaguluhan ito? Sabagay pag inisip ninyo, Tito rin ni Ashlie si Anton at Tita rin ni Ashlie at Andrei si Tehya. So tama bang mag-po at opo ang mas batang 3G sa 4G?
Hindi ito nangyari sa 2G at 3G. Ang youngest 2G kasi ay si Tita Che-Che at mas matanda siya sa eldest 3G na si Pres. JayE. Kung buhay pa tayo at di pa tayo nag-a-away-away, malamang na mangyari ito madalas sa 3G, 4G at 5G.
No comments:
Post a Comment