Monday, May 3, 2010

Day 2 - Issues

Mga alas-onse ng umaga ng Day 2 nung masimulang ma-high blood si Tita Edith.  Kasi daw, nagbabalak gumimik ang mga 3G.  Tipong lahat ng sasakyan nila ay naka-schedule gamitin.  Hmm. may problema pa rin pala maski 4 ang sasakyan.  Anyway, ayun na po, nasimula ng tumaas ang presyon ni Tita Edith.

Naalala ko lang, si Par ay nagsimula ng magtatawag ng mga 3G para kausapin at intindihin ang plano.  Tinawagan ni Tito Par si Karen, Evot pati ata sila Kevin.  Medyo matagal din naging topic ito e.  Actually sobrang concerned talaga ng mga 2G dito ha.  Napapataas nga sila ng boses e, habang dini-discuss ang issue.

Sa sobrang concerned, eto nga ang mga example na reaksyon.
Tito Ido - Ayo, bili mo pa nga ako ng isang buko.  Sarap e.
Tito Jim - magpa-henna tattoo kaya ako.  At nagpa-henna nga siya ng scorpion sa braso
Tito One - Ako rin!  At naghenna nga siya ng Sun with the letter R.(May bago ka na naman,'Ne, letter R?)

Sobrang concerned talaga sila.  Actually nalimutan ko na nga kung paano na-resolve ito e.  Parang si Evot na nga ba ang mag-dri-drive o si Boyet.  Basta daw, hindi si Karen - kasi delikado talaga pag siya ang nag-drive, bagong bili kaya ang Montero.  hehehe.

Di ko sure kung ano ang opinyon ng ibang 2G tungkol dito.  Sayang nalimutan kong interviewhin si Sr. Vicky, kasi nga busy ako sa pag-plano ng kakainin ko for lunch.  Kakapagod kaya mag snorkeling.

Ang nasabi ko lang ata ay, "Ang tatanda na ng mga yan ano?!  Bakit ano ba pinaggagawa nyo nung 20 years old kayo"?  Mwahaha.  text nyo na lang ako mga 3G kung gusto nyo malaman.  Pero since tinignan nila ako ng masama sa sinabi ko, kumuha na lang ulit ako ng crabs. 

In summary, ano bang masasabi ninyo dito?  Basta ako, eto lang - ang sarap ng buko juice pag asa beach.

3 comments:

kriza said...

hhhmmm...no comment at napagalitn n po kmi ni mami at dadi,infairness 2 dem may point cla kya pinagalitn nla kmi...sna mkaalis p kmi ulit at payagn po nla kmi,huhu...

charisse said...

haha..wawa naman ang 3G. natuloy nga sa lakad eh katakot takot naman na sermon pala inabot..cguro mga ilang years pa siguro tyka kau talaga magiging legal na umalis na..hehe.

Tita Helen said...

To the 3g's pwede namang legal na umalis but,

1. BE CONSIDERATE- Pagbigyan nyo namang mag-relax ang mga parents nyo. Wag bigyan ng worries pag chance nila to gimik, minsan lang naman 'to. Let them enjoy!!

2. BE RESPONSIBLE- Ask permissions earlier and don't take advantage na umuwi ng 4 am dahil wala sila. Kung sino man ang may pakana ng lakad, be responsible to accept na ikaw ang may pakana and sagot mo kung may mangyari sa mga kasama mo and lead them well - wag abuso.

3. BE SENSIBLE- Hindi ba pwedeng hindi sumabay sa gimik ng 2g's ang 3 g's? Sana maisip ng 3g's na wag ma-inconvenient yung 2g parents nila during the vacation. Palagay ko papayagan namang gumimik din ang 3g. Wag lang sanang sumabay. Imbes na nag-eenjoy tuloy, nag-aalala and naha-hassle pa sa Palawan.

Your parents,tita's and tito's deserve this vacation. Kaya, c'mon, grow up!!