Pag asa restaurant, dinner or lunch, water lang ang inoorder kong inumin. Water lang, hindi bottled or mineral water. Unless nasa Palawan (sarap at mura ng buko juice) or asa India (huwag inumin ang tubig dun), talagang tubig lang. So maski asa Pancake House o Shangri-la, water pa rin.
1) Napansin ko kasi na sobrang mahal ng presyo ng softdrinks or even iced tea sa restaurants. Example, puwede kang umorder ng 2 Tacos for 70 pesos, pero ang coke ay 45 pesos. Hmmm parang isang taco na rin yun. Pag-uwi ka na lang bumili ng coke sa suking tindahan. Nung una, parang di kumpleto ang pagkain pag walang coke o iced tea, pero sanayan lang yan - it is all in the mind.
Mahilig kasi kaming kumain sa labas. So napapansin talaga namin na ang laki ng bill pag may drinks. Example: sa Josephine's sa Tagaytay, with drinks, bill for 4 people could be 2,000. Without softdrinks, it would be 1,400 lang - kasi may tax pa nga dun sa softdrinks. That is 30% savings. Iyong 600 na ma-save, puwedeng pagkape sa Santuario.
2) Sabi rin sa Top Chef - softdrinks can destroy your taste buds. Halimbawa, kakain ka ng steak sa Red sa Shangri-la na worth 1,800 hmmm sayang ang lasa kasi babasagin talaga ng softdrinks ang mga molecules ng taste buds. Di po joke yan. Try nyo rin.
Pag sa Jollibee o McDo kumain, OK lang mag-coke. Bale ibabad ng softdrinks ang mga sebo at chemicals sa hamburger at french fries hehehe.
3) Boring ang mga umiinom ng water sa restaurants. Partly true. Lalo na kung may specialty drinks ang isang resturant. Example, sa Fely J's sa Greenbelt naglabas sila ng "Presidentiable Drinks". Paborito ko ang Fly High with Gibo drink - Green Mango and HoneyDew. OK din ang Villar drink - Carrots and Strawberry. Kung may specialty drinks, OK lang tikman siyempre, pero sana isang beses lang. Mahal din kasi, specialty drinks could be 150Pesos, with tax and service charge could be 170 pesos.
*****
Paano makakatipid, pero gusto nyo pa ring kumain sa labas? Drink water not softdrinks. (Minsan, nagbabaon din ako ng Coke Zero sa kotse na binili ko sa grocery - iinumin after dinner, kung hindi makatiis hehehe).
1 comment:
paano makatipid? magpalibre ang mga 3G kay tito ido sa starbucks...
Post a Comment