Tuesday, May 4, 2010

PB2G G2Palawan - Day 2 Dinner

Maraming salamat kay Tito Jorge and Tita Helen para sa aming Day 2 Dinner! 




Una pumunta kami nila Tito Jorge sa Kinabuch Grill.  Nirekomenda kasi ito ng isa sa mga tour guides.  Nang dumating na kami dun...Hmmmm.  Di impressive.  Tapos puna na rin ang main dining hall.  So balak kaming ilagay malapit sa parking lot.  Sabi nga ni Tito Jorge, "Puwede kang pumarada ng tricycle habang kumakain".  So nag-tricycle kami para sa isa sa mga sikat na restaurant sa PP - ang Balinsasayaw.

Sa Inggles, ang Balinsasayaw ay Swallow, iyong ibon na pangkaraniwan sa Palawan, lalo na sa El Nido.  Dito nga nanggaling ang sikat na Nido Soup.  Korek! at pasintabi sa mga kumakain - ang laway ng swallow na ginagawang pugad o nest ang main ingredient ng Nido Soup.

At ang laki naman ng ganda ng ambience ng Balinsasayaw kesa sa Kinabuch.  Native Filipino resto kasi.  So apart from maganda na ang entrance (parang Bahay Kubo within a Garden), OK pa rin ang dining area - consistent with the native theme.

(Nagsimba nga pala ang isang van, kasama nila Sr. Vicky.  Sayang talaga at di na kami kasya, so nauna na lang kami sa Dinner place =)

So Umorder na rin kami.  As usual, ang dami na naman naming food.  For starters, we had Corn Soup. Sarap!  For main course, we had Chicken Barcbecue (specialty ng resto), Ensaladang Talong, Lumpiang Shanghai, Shrimps.  Deliberately, iniwasan na ni Tito Jorge ang Tuna kasi nga 3-in-a-row na kami.


(mapupula na ang hasang - tanned from Honda Bay)


30 minutes after, dumating na rin ang mga nag-simba.  Actually, nag-shopping pa pala sila kaya natagalan.  Ngapala by this time, kasama na namin si Tita Eyan.  And by then, nagawa na rin niya ang customary Puerto Princesa welcome.


After dinner, nagsakitan po ang tiyan ng marami sa amin.  LBM in Palawan eeeuuuw.  Di nga namin ma-gets ang pattern, kung bakit sila nagkanun.  For example, ako kinain ko naman lahat at uminom din ng tap water, pero wala namang nangyari.

Ngayon ko lang naisip, teka baka ang LBM ay dulot ng Avocado Shake at Pag-pa-paHenna. Sila po ang matinding tinamaan(so kilala nyo na sila), at wala na talagang common sa kanila bukod dun. I don't think galing sa Balinsasayaw ito.




One of the best pictures of our 3 Day trip was taken during the Day 2 Dinner @ Balinsasayaw.  Talagang lahat tumatawa, maski na nga waiter.  Si Tito Jorge, sobrang pula na rin.  Dahil sa sobrang daming jokes nung gabing yon, nakalimutan ko na ang "hawak sa baba" joke.  Ano nga yon?



4 comments:

charisse said...

Parang ang saya naman ni Ninong Jorge. Talagang todo tawa..Kahit na wala kami dun eh tawang tawa na din po kami..hehehe

Darwin's Theory said...

galing nga ng pagkakakuha, sakto talaga. Pero di ko na talaga maalala ang joke.

Che said...

Ibig sabihin daw ng kumakamot sa gulugod.. kulang ang pambayad!!! haha... of course di naman talaga dahil kung ganun naghugas kami ng pinggan... thanks kuya jorge! :-)

Lisa said...

Tried Nido soup last year from like www.geocities.jp/hongkong_bird_nest/index_e.htm . Tastes really good... yeah, I thought it was gross at first, but wow, you won't regret it.