Tuesday, May 4, 2010

1,000

This is the PB Blog's 1,000 Post.  Yehey!  So maraming salamat sa pagpatuloy na pagsubaybay sa ating PB Blog.

Nung 10 years old ako, una akong gumawa ng parang PB Blog.  Syempre sa papel, dahil wala namang internet nun masyado.  So parang newsletter/blog.  Gumagawa ako ng parang dyaryo na merong section ng balita, opinyon at syempre mga tsismis.  Ang problema, by the 3rd edition sobrang dami na ng tsismis.  At sino ba ang tsinitsismis?  Eh di siyempre ang mga taga-PB din. 

Nung una tinatago ko talaga ang Santan Herald (kasi Morning Breeze Herald sa School EIC ako e =), dahil nga baka pagalitan ako pag may nagbasa nun.  At tawagin pa kong tsismoso e Grade 5 pa lang ako.

One time, di na ko makatiis at kelangan kong pakita kay Mommy.  Pero tinago ko kay Daddy, kasi baka di nya ma-gets.  Pero pinakita rin ni Mommy.  So laking gulat ko na tuwang-tuwa ang Daddy sa Newsletter nung mabasa nya.  Sobra nga siyang bumilib - kasi nga may mga pictures pa (parang dyaryo talaga!).  Sabi nya, ako lang ang makakaisip gumawa ng ganun, well ako lang ang may tyaga.  Ang angal niya - di nya mahulaan ang mga blind items hahaha.  Pero syempre ang saya ko nun dahil maski si Daddy e nagustuhan ginawa ko.

Di ko na nga alam kung saan na ang newsletters na yon.  Tinago ko kasi talaga dahil feeling ko papatayin ako ng mga pinsan ko pag mabasa nila nakasulat dun - dahil sinisiwalat ko ang mga sekreto nilang lahat!

...27 years later.  Iba na ang format, mas malaki na ang saklaw, mas marami ng puwedeng magbasa, at interactive na.  Pero ganun pa rin, balita, opinyon at tsismis tungkol sa Pamilyang Reyes - Pamilya Banal.

1 comment:

Anonymous said...

Congratulations on your 1000th post