Monday, May 3, 2010

PB G2Palawan - Day 1 Lunch

Dalawang vans ang nag-pick-up sa amin sa airport.  The drive from the airport to the hotel took a little more than 30 minutes, medyo traffic din kasi.

Ano ang unang gagawin pagdating sa Hotel?  Mag-check-in?  Mag-CR?  hindi po!  Magpa-picture, syempre!  Nakita nga kasi namin ang Microtel Welcome PB 2G sign, so pa-picture muna kami dun. 


Di pa rin kasi puwedeng mag-check-in dahil maaga pa.  So tambay-tambay muna.  Pag dating ng 11am, nag-set-up na for lunch.

Ang first 2G mean ay Lunch of Luxury.  Ang pri-nepare kasi ni Tita Edith ay lunch by the poolside which is also in front of the beach.  At syempre sosyal din ang mga pagkain.

For Appetizers, nagdala si Sr. Vicky ng Pistachio from Rome.  Ewan nga ba kung gutom na talaga ang mga 2G, o nun lang nakakita ng pistachio, halos maubos na kasi.  Sabagay ang sarap naman kasi talaga - iba ang lasa.



Malapit kay Tito George ang Grilled Tuna, Pinakbet at Grilled Squid.  Bukod dun, meron pa kaming Ginataang Squid, Fried Chicken, Crispy Pata at Lechon.  Grabe ano!



Syempre masayang masaya ang 2G dahil sa masarap na lunch.  Thanks ulit kay Tita Edith.  Tinanong sila kung na-mi-miss na ba nila ang 3G, during lunch?  Nasa ibaba ang sagot nila. 



No comments: