Thursday, July 9, 2009

Most Expensive Cities in the World

To no surprise, Tokyo na naman ang pinakamahal na City sa buong mundo. Sa aming magkakaibigan ang ginagawa naming sukatan ay kung magkano ang Big Mac Meal sa bawat bansa. (wala naman kasing Jollibee sa Europe e). Pag kinumpara mo, malalaman mo ang cost of living dun.

Example. Ang Big Mac Meal sa Pilipinas ay roughly 100 pesos. Sa Chicago, US around $3.95 or 240pesos. Sa Geneva, it 5.50 Francs or 350 pesos.

Ia, magkano ang BigMac Meal o kaya Coke dyan sa Tokyo?
Charisse, magkano sa California?
Popoy/Alex/MM, magkano sa Toronto?
Tito Boyet, magkano sa Meycauyan? (naka-alis ka na ba?)

Most expensive ranking
1 Tokyo (2)
2 Osaka (11)
3 Moscow (1)
4 Geneva (8)
5 Hong Kong (6)
6 Zurich (9)
7 Copenhagen (7)
8 New York City (22)
9 Beijing (20)
10 Singapore (13)

13 comments:

charisse said...

Big Mac I think mga $3+ din and Coke $1 din. Hindi kasi ako mahilig mag-burger eh...Subway lang ko eat fresh...

Che said...

Sa Singapore, Big Mac meal is around SG$7, mga P220

But sa $7, makakain ka ng:
2 chicken rice (2.50 each) at coke OR
chicken biryani ($5)+cheese roti($2) OR hokkien mee/kway teow ($3.00)+ oyster omellete ($3.00)...

...So bakit ka naman kakain sa McDo?

ido said...

ang susungit naman ng mga asa abroad gosh! tinatanong lang kung magkano ang big mac, di naman sinabing kumain kayo dun ano! hahaha

che said...

hahaha.

pero posible nga na binabase ng mcdo ang presyo nila sa capacity to pay ng mga tao. except that ang target customers ng mcdo ay kabataan, na wala namang sweldo(so i really don't know pano nga nila kinocompute ang appropriate price per country)..

Jol-e-be, MBA said...

I guess prices will always be based on the OVERHEAD COSTS, as in any business, in order to keep your bottomline healthy.

In countries where labor is too high/costly (which is the biggest factor,I suppose, in overheads)prices will be higher compared to places where minimum wage is relatively lower.

jim said...

korek ka dyan MBA ,PATI NGA Garments business apektado
kami, sa labor ng china masyado mababa .Kya puro local gawa namin ngayon.

Batang Kyuryus said...

For MBA at Manong Jim: Ahh.. so ang price po pala ng mga commodities ay based sa cost of production rather than average purchasing power?

Teka, eh bakit po ang Ralph Lauren T-shirt na made in Bangladesh at Nike na gawa sa sweatshop ay ibinebenta ng mahal pag nasa stalls na? Eh samantalang ang total production cost nun ay mga 1/100 lang ng tag price?

CEO said...

Mga kapatid, ang pag pipresyo ay maaaring may dalawang basehan. Pwedeng COST BASED na binabanggit ni MBA na ang presyo ng produkto ay hango sa total cost na kasama ang materyal at overhead cost plus profit. Maaari rin namang MARKET-PRICE BASED.
Sa MARKET-PRICE BASED, binabase kung ano ang presyo sa merkado ng produkto para makalaban sa mga kumpetensya kahit maliit lang ang tubo o kaya ay ginagaya lang ang presyo , kahit malaki na ang tubo.

Jol-e-be. MBA said...

Thank you CEO. Due to time constraints I was not able to add the factors you mentioned. You are absolutely correct.

And to add to that, Pricing, in some products, like designer shirts, cars, etc., which would fall on the luxury/non-essential items, is actually part of marketing. The price itself will tend to catch the attention of target market-how they percieve the product to be. These should not be priced "too cheap" as it might turn-off would be clients belonging to the "high profile" or "upper class" brackets.

Mukhang Ph.D. na yata si CEO. he he he

manong JIM said...

in my opinion . di nyo masyado na gets ang side ko . talagang naapektuhan me ng crisis , kasi kung mangagaling ang gawa sa US mataas ang rate per pc. kasi nga dollar ,kumpara sa local peso at may terms pa. di lang naman garments ang apektado . pati car , cellpon at iba pa sa china na sila nagpapagawa dahil nga kasi mababa ang labor don .

ido said...

Wow! ni sa panaginip di ko maisip na marami ang mag-co-comment sa topic na Global Economy dito sa PB. haha.

So, happy na rin.

Anonymous said...

TO Manong Jim:

* Apektado talaga ng krisis ang mga garments for import. Pag local ang market di masyadong apektado dahil sa maraming factors, eto ang ilan:

* Recession sa America at sa Europe. Nawalan ng purchasing power ang mga tao. So nabawasan talaga ang demand para sa maraming bagay, kasama na ang mga damit/pantalon/shorts

* Pangalawa, ang taas ng labor cost sa Pilipinas. Isa sa mga pinakamataas sa buong Asya.

* Para makabangon ang mga garments import sa Pilipinas:
1) makaahon sa Krisis ang America at Europe
2) regulate ang inflation sa Pilipinas dahil di na kaya pang itaas ang sahod
3) mag-iba na ng negosyo na hindi importing - example. Pansit Palbok at Lumpia. hehe

CEO said...

Manong Jim, tama ka at nakikita mo ang THREATS sa iyong enterprise na katulad nga ng nabanggit mo ay ang masyadong mababang presyo ng China at masyadong apektado ang industriya mo.

Iyon kasi ang naging ISTRATEHIYA ng China nung pumasok sila sa pandaigidigang merkado. Gumawa ng maraming Economic Processing Zone na maraming incentives sa foreign investor, nagpadami ng inprastruktura at gawing bentahe ang dami ng populasyon nila sa pamamagitan ng pag-offer ng mababang labor cost.

Pero, bago naman nangyari sa China ito ay marami rin silang THREATS dati, ang THREATS ay tinuring nilang HAMON at NAG-ISIP sila kung paano ang POSITIONING STRATEGY nila sa WORLD MARKET at eto nga ang mga iyon, nagbunga ng mabuti sa kanila.

Kaya nga HAMON din sa atin ito na mag-isip ng mga dapat gawin natin para hindi maapektuhan ang ating mga enterprise. Kung ikaw, ano ang gagawin mo?

Sabi nga ng isang sikat na CEO, "A structure with no challenge breeds complacency ."