Wednesday, July 1, 2009

Ang di lumingon sa pinanggalingan

ay may Stiff Neck. Anak ng tinapa. Meron na naman akong stiff neck. Tuwing bumibisita na lang si Ate Edith sa amin, napapansin nyang di ako makalingon. Alin lang yan sa mga masasamang gawain ko:

1) Nagtratrabaho sa kotse
2) Nag-P-PSP sa kuwarto
3) Walang Exercise
4) All of the above.

Dapat tigilan na. Anyway, eto naman ang mga kasabihang nabago ng panahon:


Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.

Ang taong nagigipit...sa bumbay kumakapit.

Pag may usok...may nag-iihaw.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

To err is human, to errs is humans.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin. Better late than later...

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Better late than pregnant - eto ang dapat motto ng kabataan ngayon.

Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Do unto others... then run!!!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

When all else fails, follow instructions.

No man is an island because time is gold

An apple a day.. is too expensive.
An apple a day, makes seven apples a week.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. minsan, muta lang yan.

When it rains...it floods.

Pagkahaba haba man ng prusisyon ..mauubusan din ng kandila.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

2 comments:

evot said...

Birds of the same feather are same birds...

The more, the many-er...

evot said...

Better late than not coming…