Wednesday, July 22, 2009

X-RAY Vision

Nasaksihan kanina ng buong mundo, lalo na ng mga bansa sa Asya ang pinaka-mahabang "solar Eclipse" na naitala sa kasalukuyang century. Sa Pilipinas, "partial solar eclipse" lamang ang nasaksihan pero ma-swerte tayo kasi maganda ang panahon kaya kitang-kita ang buong pangyayari. Sa ibang bansa kasi di nila nasaksihan kasi maulap ang panahon.

Eto ang mga pictures na nakuha ko sa pamamagitan ng X-RAY vision...
oo X-RAY ko...
X-RAY film result ko nung last check up ko...

9:30am


10:00am


10:30am


10:45am


11:00am


11:15am



Habang kumukuha ako ng pictures eh tinanong ko si Diche at Nanay kung ano ba ang mga kasabihan tungkol sa solar eclipse, eto ang sabi nila: "Kapag hindi agad niluwa ang araw eh mahirap ang magiging buhay natin". Buti na lang niluwa agad kasi "partial" nga lang... Meron pa kayong alam na ibang kasabihan?

3 comments:

boyet said...

Ido, eto ang ilan sa alam ko sa epekto ng eclipse:

May kasabihan ang mga sinaunang taga Nueva Ecija na ang itlog na nililimliman ng manok ay mabubugok lahat at di magiging sisiw pag nag eclipse!

May nagsasabi pa rin na di mabuti sa buntis ang eclipse, hindi naman siguro dahil sa mabubugok ang baby noh!

Che said...

Hahahaha, ayos talaga mga taga-Gapan!

taga said...

iba pang kasabihan/pamahiin:

Wag daw sabay mag-uulam ng chicken at ginisang monggo. Magkakasakit ka sa balat.

Wag matutulog ng basa ang buhok, nakakabulag.