Thursday, July 30, 2009

Foodie

BACOLOD CHICKEN
- Dapat straight-forward lang ang pagkain: Inihaw na manok. Ano ba mahirap dun? So medyo disappointed kami na ang pagkain namin - ay sobrang hilaw (may dugu-dugo pa). At ang manok kasi pag hindi luto, e nagiging maasim. So medyo disappointing to the point na muntik ng himatayin si Ayo.

- Bigla kong na-realize na iba-iba nga pala ang Chicken Inasal (from Ilo-Ilo). Merong Chicken Bacolod, Bacolod Chicken, Chicken Inasal at marami pang iba.

Saan ba ang pinaka-OK?

YELLOW CAB
- First time ko nung kumain sa Yellow Cab restaurant. Masarap pala. OK ang Garlic Shrimp Pizza, ang Charlie Chan Pasta at Twice-Baked Potato.
- Medyo mahal nga lang - around 250 per person
- At ang angal ko - sobrang greasy ng pagkain. So habang bata pa, e kumain na dito. Pag tungtong mo ng 25 huwag na sigutong kumain dito.

FLORING's BBQ
- Masarap. OK din ang sauce. Huwag lang hahayaang lumamig .
- Dapat ata dun mo kakainin ang BBQ sa pinagbilan mo, bawal ata iuwi. kasi parang nagiging malabsa ang baboy
- Ang problema ko lang. Medyo ambaho ng amoy. I am not joking. Turn-off nga e. Dapat kasi pag kumakain, mabango food mo. Ewan, baka sobrang arte lang. Pero try nyo rin then let know.

SAVORY
- After 6 or 7 years, nakakain ulit dito (sa MOA 2 wks ago).
- Very happy, na di pa rin nagbabago ang lasa. Masarap pa rin.
- Ang balat pala ng Savory Chicken ang the best. The laman is OK, pero not as good as the balat.
- Sabi ni Ayo, lasang Chinese ang Savory Chicken hehehehe.
- Mas mahal siya kesa sa KFC or even Max's.
- Saka di pala masarap ang turon nila. Huwag nyo ng pag-aksayahan ng panahon (makunat, mahirap nguyain).

1 comment:

Che said...

Gosh, ang a-arte!!! heheh.

infernez, masarap talaga sa savory, at buti naman meron na sa MOA dahil napakahirap dayuhin sa escolta