Last week, ang aking meeting with the CEO lasted 7 minutes! After kong magbyahe ng 3 oras sa SLEX, e napakaikli lang pala ng meeting namin.
Pero ang 7 minuto na yon ang pinakamahabang miting ata sa buong buhay ko. Grabe talagang kamiting ang mga CEO kung anu-ano ang tinatanong. Eto example:
Do you think I should build a Call Center here?
(Eto nasa isip ko: ano bang question ito? e wala naman akong alam sa call center. at di ko rin kabisado kung ano meron sa Diosdado Macapagal.)
What should we do to generate more business from the internet?
(Eto nasa isip ko: ako ba ang Vice President mo? Dapat mo ata akong bayaran pag sinagot ko ang question na yan haha).
Mabuti na lang at mahilig talaga akong magbasa. Nabasa ko kasi iyong primer ng Call Center habang asa kapehan sa airport. Andun kasi ang magazine binasa ko na.
Binasa ko na rin ang Airframe ni Michael Crichton. OK kasi ang detalye sa book na ito tungkol sa mga eroplano. At nabasa ko rin ang The World is Flat ni Friedman.
Hay buti na lang at nagbabasa ako, at nakikipagkuwentuhan at nag-blo-blog. At nasagot ko naman ng maayos ang mga tanong.
1 comment:
grabe...mahirap pala maging senior executive... nung una ko nabasa yung question nung CEO eh nagisip na agad ako ng masasagot eh wala ako maisip agad...hehehe... kung sa bagay less experience pa ako sa mga ganun scenario...hehehe..
Post a Comment