Monday, July 6, 2009

Tumatanda

SUMMARY: Alam nyo bang si Joey de Leon ay 63 years old na? Ilang taon na ba ang pinakamatandang 3G?


Wala naman talaga akong masyadong pakialam sa edad. Naalala ko lang, kapag may ibang nagkukuwento. Pag tumatanda ang ibang taong kakilala, dun ko lang nararamdamang tumatanda ako.

Example: Syempre kakagulat na si Karen pala ay 22 na. Tapos, alam nyo bang si Vic Sotto ay 54 yrs old na? E di ba pinapanood natin siya dati teenager pa lang nung Iskul Bukol. Si Joey de Leon naman ay 63 years old na. Di sila mukhang ganung edad, ano?

Kahapon din nga nagkuwentuhan kami sa edad. Nagulat din ako na si Tito Jorge pala ay ___ yrs old na. (Secret na lang muna kung ilan, or hulaan nyo para masaya). Si JayE naman ay 26 years. Ang tanda mo na JayE! Ang pinakamatandang 3G ay lagpas 25 na pala. Kasi naman ang 2nd na pinamatandang 3G na si Evot ay 25 na sa 25.

Lahat tumatanda na talaga. Pero remember ang sabi ni TIto JOrge, ang buhay ay hindi naman patagalan, kung hindi pasarapan. Ingat!

3 comments:

Charisse said...

Lahat nmn kasi tumatanda. Feeling ko din tanda kna. Mas matanda pko kay evot..hehe.. Pero khit nmn gnun I feel young pa din kasi sa company nmin ako ang pinakabata. GM pko tapos handle ko matatanda sken. Weird feeling nga eh.. Pero syempre gusto ko din ng pasarapan ng buhay kya goal ko at the age of 40 or 50 retired nko..hehe..

Anonymous said...

mas matanda kay evot ng 22 days?

evot said...

ahhhmmm... hindi 22 days.. 1 year and 22 days. hehehe...