Monday, July 20, 2009

Sari-sari

1) Wow, lalabas pala si Manny Pacquiao sa commercial ng Nike with Tiger Woods and Maria Sharapova. Astig! Sabagay, siya rin naman ang nanalo ng ESPN Fighter of the Year.

2) Tatagal na raw ang bisa ng mga pre-paid loads sa lahat ng network. Pero ang isa pang problem e yung automatic download ng mga ringtones, maski ayaw mo. So sana maayos din yun.

3) Halos 50% daw ang matitipid pag na-limitahan ang presyo ng mga gamot. Nice! Fina-finalize na raw ang listahan, kasi di naman lahat ng gamot.

4) Bumaba ang presyo ng gasolina. Tumataas naman ang dollar laban sa peso. Tumataas ang stocks.

5) 7th bday pala ni Melay (apo ni Mang Totoy at Aling Mameng). Happy Birthday!

6) Eto pala ang website ng Spanx. Iyong sinasabi ni Tita Tetes na dinidistribute nila. Iyong may-ari nanalo ng Entrepreneur of the Year nung 2002. Since then, naging 300Million Dollar company na ito. Magandang story ng entrepreneurship

http://www.spanx.com/home/index.jsp

2 comments:

Anonymous said...

di naman bumaba presyo gas. minsan lang bababa tapos tataas din.

di ako naniniwala na bababa presyo ng gamot

Che said...

Wow! Naalala mo ang birthday ni Melay! heheh...Nakarating ba ang spaghetti sa binan?