Thursday, July 2, 2009

Judge Esperanza Victorino

Alam nyo ba na dating sikat na artista at mang-aawit noong dekada 70’s ang isang hukom na dumidinig sa mga kasong idinudulog sa kanyang sala sa Regional Trial Court (RTC) sa Pasig City.

Bilang patunay sa husay sa kanyang pag-awit, pinarangalan si Esperanza “Espie" Fabon - ngayon ay mas kilala sa tawag na Judge Esparanza Fabon-Victorino - bilang Best New Female Vocalist sa Awit Award noong 1980. Si “Espie" ang presiding judge ng Branch 157 ng Pasig-RTC.

Naging ka-loveteam din noon ni “Espie" sa mga pelikula ang pumanaw na sikat na singer na si Eddie Peregrina. Nagtrabaho rin si “Espie" bilang producer/announcer sa dzBB at GMA-7 noong 1984 hanggang 1986. Sa kanyang radio program na “Espie Espesyal" sa dzBB, tumanggap siya ng parangal bilang Best Public Service Program at Plaque of Recognition mula sa Catholic Mass Media Award noong 1986.

Sinabing ang asawa ni “Espie" na si Atty. Jaime Victorino ang nakaimpluwensiya sa dating aktres/mang-aawit upang maging abogado hanggang sa maging hukom. Sa tinatayang 2,500 kaso na kanyang dininig, mayorya sa mga ito ay kasong kriminal.

Ito marahil ang isa sa mga dahilan kaya itinalaga si Judge Fabon-Victorino na pamunuan ang itinatag na special court sa Pasig na didinig sa mga kaso ng pagpatay sa mga political activist at miyembro ng media.

No comments: