Monday, July 20, 2009

Service

Malaki ang naitutulong ng good service sa pagdami ng customers ng isang negosyo. Sa U.S., sobrang importante ang good service. Sabagay may automatic na 10-15% naman kasi dun pag kumain ka sa restaurant. Sa Europe, di masyado importante. Sa France, medyo di nga OK ang service sa mga restaurants. Sa Cebu, di rin uso ang tip, nagagalit nga ang mga Cebuano pag merong nagti-tip.

Eto ang aking take sa ’service’ in the Philippines. Pero experience ko lang ito. Share nyo rin ang experiences nyo.

Fastfood
McDonalds para sa akin ang pinaka-OK ang service. Jollibee is very close 2nd. Pero KFC is the worst, although their service is improving. Sobrang dalas talaga na ang tagal mong naghihintay para lang sa 2pc chicken meal. I know they are trying to perfect the chicken, pero kung 10 minutes ka na nagiintay sa pila, meron ng mali sa proseso, at baka wala ka ng gana sa chicken.

Kenny Rogers also has bad service. Ang pangit kasi ng system nila e. Talagang pipila ka maski 1 mufin lang bibilhin mo. We had so many bad experiences with Kenny Rogers – may stapler sa soup, may band-aid sa chicken. Plus iyong paghihintay ng 10 minutes everytime. Since asa CEU pa si Mommy, never na kong kumain dito - mga 15 years na ata yun.

Resto
Sa mga medyo mahal na restaurants, Fridays has good service – dapat lang, ito kasi pinagmamalaki nila. Italiannis also has good service. Tony Roma’s has bad service. Actually muntik na naming i-demanda ito dati! Halos araw-araw kami kumakain dati dito, until one time... Dumating nga kami sa point na kami kumukuha ng pinggan, kutsara at tinidor. Alam kasi naming kung saan nakatago e, hehe. Dahil sad alas naming kumain. Bumalik naman ako after 11 years, OK na sila.

Gasoline
Actually OK naman ang lahat, pero parang meron lang extra nice service sa Shell. Wala akong bad experience sa Caltex, at OK ang ihi-an sa Petron =). Sorry, di pa ko nagpa-gas sa Total o Flying V,

Phone
Globe has OK service. Pwede pa i-improve pero OK na. Smart – ang gulo ng billing, at minsan ang gulo ding kausap ng CSR. Pero the worst of all is PLDT. Nasubukan nyo bang tumawag para magtanong? Wow! Hindi ka nga nila i-tra-transfer sa ibang line e. Example. ”Sir, corporate po pala kayo, tawag na lang kayo ulit.”. ”Ha, puwede mo ba kong i-transfer na lang?” ”Hindi po puwede yan, kelangan nyo pong tumawag ulit sa trunk line”.

Dept Store
SM. Grabe naman sa kelangan gawin sa kapirasong papel na yan, bago mo maiuwi ang binili mo. Kasumpa-sumpang mag-credit card sa SM. Service ng Robinson’s better than SM. Well, siguro dahil mas konti naman ang tao sa Robinson’s. Ay, pag konti pala tao sa SM, lalo ka ng patay. Dahil hindi ka tatantanan ng Saleslady - susundan ka talaga nya maski saan ka magpunta! hanggang di mo binabayaran ang binili mo. 'Over-service' is sometimes bad.
Sa Rustan’s naman...hmmm. pag kakilala ka nila Excellent ang service. Pag hindi, inconsistent. One time kasama ko kaibigan ko (pamangkin ng may-ari ng Rustans/Starbucks), siyempre tratong hari ako. Pero nung minsan naman mag-isa ako, wala talaga lumalapit sa akin, e magbabayad na nga ako e. Actually OK ang service sa Ever Gotesco. Palagay nyo?

Hotels
Definitely Shangri-la has the best service. Marriott has OK service, pero para silang lagi naghihintay ng tip. Mandarin has OK service, pero dun sa restaurant nila medyo mabagal. Days Inn has the service na bagay sa presyo =). Hotel Sofitel (dating Philippine Plaza), also has good service, minsan lang yung receptionist nila parang puyat.

In Boracay, Discovery has the best service even better than Shangrila. Shangri-la sa Boracay, namimili ng guests =(. My favorite hotel service is at Willy's very nice and friendly. OK din service sa Waling. Punta ko ng Regency nung opening nila, so magulo pa nun. Pero OK na raw ngayon dun.

3 comments:

Kris said...

Uhm... sorry, I don't shop at SM or Robinsons...eiiiuw. Only at Greenbelt or Shangrila, I like the way the salesladies would make pila at the counter for me :-)

Boracay Hotels said...

Wow ang dami mo naman napuntahan na hotel sa boracay. Isang araw mo lang ginawa yun? Ano pinakamaganda hotel sa lahat na napuntahan mo?


Tanya Gemarin

darwin's theory said...

Hi Tanya. ay di naman. mga 10 times siguro in a span of 6 years. I had to save money to go to Discovery Boracay. Yun ang pinakamaganda, pero sobrang mahal.

Try Willy's di sobrang mahal. Nice location and ang babait ng mga tao. If you dive, meron din silang connections sa mga diving groups.

Thanks for visiting the blog.