Alam nyo bang ang 4 na beses na naging pinakamayaman sa buong mundo ay hindi nagtapos sa College?
Korek, walang MBA o PhD si Bill Gates, may-ari ng Microsoft. Actually di nga sya tapos ng College. Pero di lang si Bill Gates, marami pang CEOs ang hindi nag-college. Actually, ni hindi nga tumuntong ng College.
Marami sila, pero eto lang ang ilan sa pinakamayayaman sa kanila:
1. Richard Branson
CEO, Virgin GroupType of Business. Siya may-ari ng Virgin Records, pati Virgin Airlines.
Wala syang college degree
Naging entrepreneur at age 16, dahil sa paggawa nya ng Student magazine.
2. John Paul DeJoria
CEO, John Paul Mitchell Systems
Iyong mga HairCare products sa mga parlor, naaalala nyo?
No College
Nagsimula sa pagtitinda ng greeting cards at age 9.
3. Michael Dell
Founder, chairman, and CEO Dell Computers
Did Not Finish College
Quote: "When I started our company, it was very much an idea outside of the conventional wisdom, and if there were people telling me that it wasn't going to work, I wasn't really listening to them."
4. Felix Dennis
Founder and chairman, Alpha Media Group (iyong gumagawa ng Maxim magazine)
No College degree
Sumulat siya ng biography at magazine tungkol kay Bruce Lee ; nagsimula siyang yumaman ng mamatay ang martial arts nung 1973.
5. Bill Gates
No explanation needed =).
6. Amancio Ortega Gaona
President, Inditex Group (iyong may-ari ng Zara, sosyal na clothes)
No college.
He is considered the richest man in Spain, at di siya nagpapa-interview
7. Phillip Ruffin
Owner, Treasure Island (BIg Casino in Las Vegas)
Hanggang 3rd Year College
Quote: "You get the most experience from the business of life."
8. Ty Warner
Founder, Ty, Inc. (alam nyo yung mga toys ng Stuffed animals na cute?)
Dropped out sa College dahil gusto nyang mag-artista
Ang una nyang stuffed toy na lumbas nung 1990 ay may halaga ng $5. Nung tinawag nya itong Beanie Baby, umabot hanggang $30 ang presyo. Kaya mayaman na siya ngayon
Pero RapRap, wala akong sinabing huwag mag-aral, OK? Sobrang sipag ng mga yan ano.
5 comments:
Sipag at tiyaga lang naman talaga ang kailangan d b manny and boy??
Saka cguro abilidad...
I think pwede ka magsucceed kahit di ka nag aaral kung:
1. masipag at matyaga ka
2. very creative at imaginative ang isip mo
3. napakayaman ng mga magulang mo na magtatayo na lang ng negosyo para sayo
4. madami kayong important connections/networks (at alam mo pano ito gamitin)
Kung hindi, palagay ko magiging tambay at palamunin ka na lang... YES madaming CEOs na hindi nagaral, but exception to the rule sila ng mga hindi nag-aral na tambay at unproductive sa mundo.
Sa palagay ko lang, kung may opportunity naman mag-aral at makatapos ay dapat i-maximize ang opportunity :)
pwede ka rin yumaman kung pinanganak ka na masuwerte , pero malaking advantage din may tinapos .
pero marami ring mga college graduate na tambay
Bakit puro kayo anonymous, playing safe na naman kayo??? Magpakatotoo!!
Post a Comment