Thursday, July 9, 2009

Explore North

Grabe and trapik ngayon sa South - particularly Bicutan area. Lalo na pag rush hour. So inaadvise talaga ang lahat na mag-South unless: dun ka nakatira (syempre), dun ka nagtratrabaho, o mag-po-poker.

Otherwise, exlpore North. Anyway, the PB roots ay sa North. Habang nasa North, here are some exciting gastronomic (food!) destinations:

Susie's Cuisine @ Angeles City, Pampanga
- lalo na ang kanilang tibok-tibok. Made with fresh carabao milk - ito na ata ang pinaka-peaceful na dessert. you just have to try
- ok din ang kanilang ube halaya
- problema, laging mahaba ang pila dito. pero sulit naman kasi.

Everybody's Cafe @ MacArthur Hi-Way, San Fernando Poblacion Pampanga
- Actually parang hindi pang-everybody ang menu nila. Para sa mga matatapang!
- eto ang dishes nila: Lumpiang Papaya, Tapang Kalabaw, Camaru o Crickets at Buro
- and kanilang specialty: Betute or Stuffed Deep-Fried Frog

Citang's Kakaning Bulakenyo @ Malolos, Bulacan
- the best pang-meryenda. Mukhang karenderya pero pang-gourmet ang lasa
- specialty nila ang Goto, Tokwa't Baboy at Puto.
- parang simple pero talagang kakaiba. promise yan.

2 comments:

edet said...

wow! kakagutom... sarap talaga tibok-tibok. not been there pero dun buy si Bong alam ko. minsan pabili ako pag luwas cya at padalhan kita. meron pa isa masarap kakanin dun, forgot the name pero may laman cya na munggo tapos may gata. ok din yun.
nakapunta na ko sa famous everybody's, sikat cya dati pa.

che said...

Ay oo nga masarap sa Susie's. Masarap din dun ang halo2x -- gatas ng kalabaw ang gamit tapos may halong pastillas... medyo deadly sa diabetic...

I think worth pa rin i count ang nanays pansit malabon at mga dolor's kakanin sa malabon (kahit nag branchout na sila), iba pa rin ang authentic, yung dadaan ka sa muna sa mahalumyak na pagawaan ng patis...