Monday, July 6, 2009

Overachiever vs. Underachiever

Medyo may negative connotation kasi ang pagiging underachiever, dahil merong word na "under". Pero di naman talaga.

Sa SPORTS madaling mapakita ang example. Sa tennis, sinasabing si Ivan Lendl ang isa sa pinaka-Overachiever. Di naman kasi siya sobrang galing, pero ang daming napapanalunan dahil sa tiyaga at sipag, not necessarily sa talent. Ang opposite naman niya ay si Marat Safin - sobrang talented sobrang galing, pero konti lang ang napanulanan.

Sa basketball, si Iverson daw ang Underachiever. Ang overachiever naman ay si Scottie Pippen.

Mga Katangian ng Overachiever:
- Meron ding talent at talino. Pero hindi masyado
- Nadadaan sa sipag, tiyaga. Puwede ring sa suwerte
- Puwede rin sa pag-sipsip. O sa pag-aaral ng politika sa school o sa trabaho.
- Parang laging na-ho-honor o na-pro-promote, maski di naman sobra galing

Mga Katangian ng Underachiever:
- Natural na may talent at karunungan.
- Puwedeng malas, at walang opportunities. Puwedeng di rin marunong maghanap nito.
- Puwedeng, malakas ang tiwala sa sarili ng sobra, at ayaw umasa sa iba.
- Lahat nagugulat na di na-promote o di na honor, dahil magaling talaga

No comments: