Ayon sa mga HR studies ang GenY o ang mga 3G na tinatawag natin ay di raw komportable sa mga kompetisyon. Yung parang ayaw nila masyado na naglalalaban-laban. Di naman lahat siyempre, pero ang majority. Kaya nga raw sa mga schools di na uso masyado ang first honor or second honor. parang ginagawa nila na maraming honors.
As much as possible daw e mag-pe-perform sila sa work or dance or sing, pero sana huwag daw mag-competition. Tapos sa raffle daw, mas gusto nila na sana manalo ang lahat at hindi lang iilan.
Totoo ba ito mga 3G?
Kasi kung totoo ito, how about a non-competetive PB Christmas?
Baka ito ang totoong Modern Christmas. Iyong mag-pe-perform pa rin naman, pero di na contest. Parang iyong Fiesta ni Tita Edith, wala naman contest ang parade. Wala ring contest ang mga dance presentations. Pero ibang level ang presentations. Actually ang mga pinakamagagandang presentations bilang PB ay ang mga ito: Pinoy Rock Medley nung party ni Tito Jim, Pb Boys presentation nung Golden Bday ni Tito Par. Tell the World nung 3G/4G nung party ni Sr. Vicky, yung Carinosa ng 1G nung bday ni Tita Edith, yung Circus presentation nung Golden bday ni Tita Yet.
Hmmm... lahat naman yan di contests. Ang positive side nito, bababa significantly ang contributions, dahil halos 50% ng contribs ay para sa prizes. So talagang food na lang ang contributions.
Tapos instead of games, we can have activities. Some said PSP, or other activities. Di naman kelangan lagyan ng contest ang lahat. That way, less pressure, less stress. Fun pero relax.
Just a thought...
15 comments:
i agree!!! at nagawa na din kasi natin yung MTV so para nabawasan na yung excitement mapanood yun kahit modern pa yung theme.
hindi pa natin nagagawa yung games using modern technology like PSP/PS3/Wii...
i second the motion! mag-games n lng tayo ng nakaka-relax, tulad ng boxing sa Wii =)
come to think of it, pwede nga. actually sa office this xmas wala competition na mangyayari, relax naman daw muna kasi pagod na sila sa kaka-practice. mass, kukuha lang kami band to entertain us, tapos heavy snack.
we can proceed with the costume if you still want but not a contest. pwede din contest to inspire/challenge everybody pero isa na lang contest. no more mtv kasi hirap talaga prepare. prepare ka na before xmas for the shoot, hataw ka pa xmas day. malaki mawawala sa expenses kasi for mtv I understand nasa 15k agad prize.
let's enjoy the day....we love you tita yet..peace tayo
let's have games, funny games, modern jokes hehe (meron ba?) oo, pick up lines ni rap, pagandahan.
pwede din on the spot may magpa contest, siya magpa prize sarili nya contest. PB pa! dami alam pakulo
pwede!!!!yan na lang,mas ok!!!modern na modern pero dapat prepared din talaga tayo katulad sa mga 50th birthdays...kasi pasko dapat makatuturan pa rin yung gagawin at msayang masaya...
korek, pwede ba yung yung mtv ay impromptu na lang, bale bubunutin ng teams mga 1 hour before kung anong song ang i m-mtv nila kuno, tapos gagawin nila ng live! :-) bahala sila paano nila gagawin, parang pilipinas got talent lang. masaya din yun, at di masyadong stress. di pa natin nagagawa yun.
ok ako sa "nags- sugest" at kay tita edet . kasi kung mtv na naka video presentation eh si tito egay lang ang maghahakot ng premyo .
Dapat i-finalize na ng mga officers kung ano ba talaga ang mangyayari sa pasko kasi malapit na yun.
Tulad kasi sa amin, nag pe-prepare na sila Rhoda ng costume at nakapag down na sa gagawa ng mga isusuot at nakabili na rin ng mga gagamitin sa MTV. Pero kung ang mapagkakasunduan ay ung wala ng MTV ok lang pero dapat magdesisyon na ng final hangat maaga para naman malaman kung hindi na kailangan gumastos pa.
Baka kasi sa dami ng mga suggestion bukas eh pasko na saka pa lang natin malalaman kung ano ang gagawin natin lalo na tayong nagkagulo... baka paskong puro plano at suggestion ang mangyari sa atin. Nag aalala lang naman ako kc minsan lang ako makapag pasko sa Pinas kaya gusto ko rin ng maayos na pasko.
Ako, ayoko ng impromptu mtv. Mas stressful un. Tama boyet, mag decide na officers. Inform nyo kami ng final program/activities. Salamat.
Nagtuturo lang po si NInang Yet (8pm po tutor nya) mamaya po mag-bulletin po sya. Pinagawa na rin po computer niya kaya makakapag-blog na sya
Thank You!!
Thanks dianne! But we will respect the decision of the officers. Ung sa amin ay suggestion lang, kung naguguluhan kyo eh sorry, my intention is to help at walang iba. Pag-isipan lng mabuti and consider everything.
Una - Salamat sa mga suggestions niyong lahat.
Pangalawa - based on your comments and suggestions, it seems na mapupurnada si Egay. Katulad ni Jim, I have imagined na hahakutin nila Egay MTV contest.
Pangatlo - I will immediately discuss with my fellow officers these recent change of heart among the PBs about the MTV. The corresponding Bulletin will be issued asap. So Boyet and Rhoda, paki HOLD muna your MTV plans.
Pang-Apat - may I appeal for all your support in the upcoming fund-raising activities to help lessen the P1K and P5T contributions. A Bulletin about this will be issued on or before Sunday, Nov. 20. Although may I ask PB availability on the target fund-raising date na sana on Wednesday, Nov. 30?
Ok ako sa Nov. 30, pula ito sa kalindaryo, go!
Let's roll out the barrel!
Hep hep hep hurray!
wow napaka-eficient naman ng 2011 officers natin! impressive! :)
Ay! Che, salamat sa napakaganda mong comment. Para kang anghel na lumagpak mula sa langit dahil sa comment mo! salamat to the nth time!
Si edet, kunyari lang yan! katulong kaya namin yan sa mga plans! Na-order mo na ba?
At nag-admire naman din ako kay boyet sa kanyang napakagandang binitiwang pananalita!
To all Pbs:
Salamat at 'wag nyo naman ako gaano i-stress. easy!!! mangangayayat ako!
Post a Comment