Monday, November 7, 2011

2011 Starbucks Planner


It was Dianne who first posted the pics of the 2011 Starbucks planner in PB sa FB.  Grabe ang mga tao, laging sobrang haba ng pila ngayon sa lahat ng Starbucks branches.  Sobrang dami ang umiinom ng kape pag may Starbucks planner. 

Hindi kasi sa buong mundo ito e.  Alam ko wala nga sa US nito at sa Canada.  Wala rin nito sa Singapore.  Sa Malaysia, the planner is for sale.  Iyong 2010 na planner sa Malaysia ay around 3,000 pesos.

After 3 years of complaints to Starbucks, pinakinggan din nila ako!  Kasi every year, bago ka makakuha ng planner kelangan mo ng holiday drinks.  E lahat yun may gatas.  Sabi ko, unfair ito para sa mga lactose intolerant.  At sabi ko pa - Starbucks Coffee ang pangalan nyo hindi Starbucks milk.  hehehe.  Pilosopo naman talaga ako e.  Pero at least Pilosopong nasa katuwiran.  Anyway, after a few years, napagbigyan na rin nila ako.  So puwede ng magka-planner na walang bibilhing inumin na may gatas.

Ang 2011 planner nga pala comes in different "flavors": Poplar, Bamboo, Cherry, Spruce, at Oak.   I personally like Oak.  And I am getting my first on Thursday.  =).  Bawal mainggit, dahil puwede rin naman kayong mag-ipon para magka-planner.

1 comment:

Evot and Charisse said...

advance merry xmas tito/ninong ido!!!