Friday, November 4, 2011

Tradisyon

Kapag ang tradisyon ay convenient para sa isang tao, sasabihin nating "tradisyon" na yan, huwag ng baguhin.  Pero kung iisipin natin, marami na namang tradisyon ang mga Pilipino at ang Pamilya Banal mismo na wala na.  Hindi na natin lahat consistently ginagawa.

1) Lahat pa ba ng PB ay nagmamamo pag nagkikita-kita?  Di na naman di ba?

2) Lahat ba tayo ay nag-po-po at opo?  Di na rin naman e.

3) Lahat ba ng PB ay nagpapabasa pag mahal na araw?  Di na rin naman a.  Parang 5 taon na tayong walang pabasa, e tradisyon natin yan.

4) Sumasali ba tayong lahat sa prosisyon pag mahal na araw, at sumasama sa Salubong pag Easter Sunday?  Di ba tradisyon natin yan? 

5) Tuwing may umaalis papuntang ibang bansa o ibang lugar, nagpapakain ba kayo everytime?  Di ba tradisyon natin yan? 

6) Di ba tradisyon din nating magpasalubong pag galing kang ibang bansa?  Aba'y bakit bihira lang umabot sa akin yan?

Pero pag pilahan ang pinag-uusapan, lagi nating sinasabi na tradisyon yan ng PB at hindi dapat baguhin.  Mwa hahaha.  Anong kalokohan ito!  

Di po ako against pilahan. (see next post). At di po ganun kahalaga sa akin ang pagmamano at lalo na ang pag-pro-prosisyon. (sorry, honest lang). Ang punto ko lang nagkakaroon tayo ng "selective definition" pag dating sa tradisyon.  At ginagamit natin itong dahilan pag ang usapan ay pabor sa gusto natin.  Di po ba?

Nagbabago ang mga bagay-bagay pati na rin ang pagdiriwang ng tradisyon.  Pag di na praktikal o di na natin nakikita ang katuturan, aba'y puwede ng baguhin o tuluyang alisin.

Example:  Di na practical na tuwing may umaalis e magpapakain sa buong PB ng pa-despedida.  Mauubusan ng pameryenda si Tito Par at si Tita Edith nyan.  At ako, paano yon magpapakain tayo ng umaga for despedida, tapos pag uwi ko ng gabi galing Cebu, kakain na naman tayo?  hahaha.

Para sa akin, di na rin ganun kahalaga ang pagmamano.  Kung magmano ka, OK.  Kung hindi OK rin.  Magmamano ka nga tapos i-u-unfriend mo naman ako sa Facebook hahaha!  Para sa akin, pagmamano = pagpapakita ng respeto.  Kung mapapakita mo ito sa ibang paraan, ok lang din.

Para sa akin, kung meron man tayong tradisyon na dapat ipagpatuloy sa PB eto mga yon:
1) Respeto sa nakakatanda.  Napakahalaga nito para sa akin.  Pero puwedeng ipakita sa maraming paraan.

2) Pagpapahalaga sa isa't-isa.  na mapapakita rin sa maraming paraan

3) Paggalang sa paniniwala ng isa't isa.

4) Laging pagtatanong kung ang nakaugaliang gawain ay makatuturan at makabuluhan pa ba.

1 comment:

ayo said...

natawa naman ako sa nagmamano nga tapos ia-unfriend ka sa facebook!!! LOL