1) Umaga pa lang nag-interview ako ng dalawang aplikante. Yung una, Magna Cum Laude ng Electrical Engineering. Tapos board topnotcher pa. Yung isa Cum Laude naman ng ECE. Parehas silang presidente ng kanilang organisasyon sa college. At parehas silang consistent honor student.
Haaaay. Salamat naman at ganito ang mga nag-a-apply sa amin. At salamat naman at meron pa palang mga ganitong kabataan ngayon.
Pagkatapos nga ng interview sa kanila, nasabi kong may pag-asa pa talaga ang Pilipinas kung meron pang ganitong mga estudyante.
2) Nung hapon bumisita kami sa isang Non-Government Organization na nanghihingi ng tulong sa amin. Mga taga-France sila. Naghahanap sila ng mga pinaka-talented na mga high-school graduates sa buong Visayas at Mindanao at pinaka-nangangailangan ng tulong dahil sa kahirapan. Bale, sa mga 1,000 nag-apply mga 30 ang pipiliin nila.
Papatirahin nila ang mga bata sa bahay nila na parang dorm. Tapos papagaralin ng 2-year course na related sa computers (networking, helpdesk, etcetera). Tapos hahanapan nila ng trabaho ang mga bata. Lalapit sila sa mga IT companies tulad ng sa amin at aalukin kami kung gusto ba naming mag-OJT sa amin ang mga bata.
Sobrang nice di ba, na meron palang ganitong klaseng mga organisasyon na tumutulong sa mga pinakamahihirap na Pilipino. Yun lang, kelangan pa ng mga foreigners na gumawa nito para sa mga kababayan natin. Well, pero OK na rin it is a global community na naman.
3) Ngayong gabi nag-dinner kami ng mga ka-opisina sa isang very good na restaurant. Umorder ako ng Mushroom Soup at Angus Lasagna. Tapos uminom ng konti sa bar na dinesign ni Cobonpue. Ang galing!
Yun lang kelangan ko na namang magtrabaho hanggang 12:30am =).
No comments:
Post a Comment