Kuya Jim, huwag kang magugulat kung lagi kang mabulunan. Paano paborito ka talagang alalahanin ng mga ibang taga-PB pag nag-tratravel o pag may bagong puntahang bagong lugar.
Kasi di ba andito sila Mommy last week. Pupunta kami sa isang spot, sasabihin ni Ma na "naku magugustahan ni Jim dito". Aakyat kami ng bundok at mag-dinner sa isang spot na maganda ang view, "grabe na-imagine ko na na matutuwa si Jim dito". Si Che-Che din ay naalala ka.
Well lalo naman pag si Ate Edith. Pag may bagong magandang lugar, malamang ang una niyang sasabihin ay "naku magugustuhan ni Jim dito.". O kaya na-i-imagine ko na ang reaction ni Jim dito.
So bakit ba si Tito Jim lang ang lagi nilang naiisip? Life is Unfair. Bakit magugustuhan din naman ito ni Tito Egay at Tito Jorge ha. Bakit ba si Tito Jim lang ang naaalala ninyo?!?!?! Mga unfair. hahaha
Pero eto lang Tito Jim ha. Pag nag-sho-shopping na kami. E wala ng nakaka-alala sa iyo. Ang naaalala na nila ay si Tiyang, Ditse etc. Never ng mababanggit ang pangalan mo. Life is Unfair talaga Kuya Jim!
Aanhin mo naman na inalala ka - e di ka naman nila sinama. Tapos pag bilihan na e di naman mabanggit pangalan mo.
Joke only, sabi nga nila it's the thought that counts. In that area, thought na thought ka nila. So I hope it counts =).
1 comment:
salamat tito ido at nababangit pala ako sa mga pinapasyalan nyo na mga nice spots dyan sa cebu , sana one time makarating din ako dyan , regards sa aunty at che che .
Post a Comment