Alam nyo di ko nga alam e. Ang alam ko lalo akong nagiging mas pasaway araw-araw.
PAANO NGA BA?
Syempre impluwensiya din ng PB sino pa ba? hahaha. Naalala ko lang talaga dati, grabe sa pagka-alaskador ang mga pinsan ko, at bilang nakakabata, ako ang madalas na biktima. Parang lagi nga akong umiiyak dati.
Sobrang alaskador at pasaway: Tito Par, Tito Boyet, Tita Edith, Sr. Vicky, Tito Egay
Medyo alaskador at pasaway: Tito Jim, Tita Ate
Hindi alaskador at pasaway sa akin: Tito Jorge =). Tita Yet, Tita Tetes at Tita Eyan
Huli akong napaiyak ng mga mahal kong pinsan e nung first time akong maging PB President. 1990 nun at talagang naiyak ako sa buwisit. hahaha. Pero after kung umiyak, pinangako ko sa sarili ko na di nyo na ko mapapaiyak ever. Sobrang gagalingan ko. At balang araw, kayo ang aalaskahin ko. At ako ang magiging no.1 pasaway. Tagumpay na ba ako ngayon? O konti pa? hahaha.
BAKIT NGA BA
1) Kelangan kong tuparin ang aking pangarap na maging #1 Pasaway at panindigan. Sayang naman kung di ko maabot. At kung naabot ko man ito, ayokong bitiwan ang #1 position, sayang naman.
2) Ang sarap maging pasaway. grabe sobrang sarap talaga. Imaginin nyo ang sapin-sapin ng Dolors, iyong kulay Red ha, tapos iinom ka ng kapeng barako. Parang ganun ang feeling ko at mas matindi pa.
So sino ang may dahilan ng pagiging pasaway ko? PB siyempre! hahaha nanisi pa. Joke lang po, syempre ako pumili maging pasaway. parang dota, kaka-adik e.
3 comments:
yung mga pasaway, yan ang tumutulong sa pb president para galingan ang diskarte...
parang mainit na baga yan na naghuhubog sa murang hiyantok para maging magandang kasankapan...
kaya dapat pasalamatan ang mga ...
PASAWAY! yahoooo!
maraming klase ng pasaway na tao, may pasaway na bata at pasaway na matanda , pero ikaw ang pagiging pasaway mo ay nagdudulot ng maganda at matalinong suhisyon sa ibang pasaway , ok ka for being pasaway .
Natawa naman ako dito sa blog mo. Naalaska ka rin pala nuon ng todo! No wonder!
Most of the time, di naman kasi alam nuong pasaway na nagiging pasaway na pala sya. We have to be careful lang siguro...Minsan, napaiyak na rin ako pero kapag naisip ko na kamag-anak ko sila, nawawala ang pagka-asar ko sa kanila. Umiibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanila. Ayoko ng may kaaway...
Biro lang daw at natutuwa lang sa akin kaya nag-aasar.
Pls do not be 'pasaway' to us....
Post a Comment