Tuesday, November 15, 2011

Victim Attitude

2 weeks ago, naimbitahan ako ng isang kumpanya dito to conduct a seminar on Pro-activeness and creating Opportunities.  OK naman.  Sobrang prepared naman kasi ako.   Actually para sa case na ito, mas mahirap gumawa ng materials.  Yung presentation mismo e di naman mahirap.

Let me just share some key concepts at ibigay ang example ng mga signs na ang isang tao ay papunta o confirmed ng merong Victim mentality

1)  No Choice
kalaban kasi ng Proactive person yung mga merong victim attitude.  kasi merong mga tao at marami nga sa Pilipinas e na pag nag-isip e parang victim.  Isip-talo kung baga.  Yun bang parang biktima lagi siya ng circumstances. 
O puwede rin namang ayaw mag-desisyon para hindi magkamali. 

mapapansin ninyo ito sa mga taong madalas magsabi ng, "no choice e kaya ito na lang".  o kaya naman "i do not have a choice"

2) Bandwagon mentality
ginawa kasi ng isa, tapos ginawa rin ng pangalawa.  so kesa magdesisyon para sa sarili, e makikisali na rin dun sa nakararami.  eto naman ang mga taong.  di bale ng mali basta merong kasama.  maski alam naman niya kung ano ang tama

3) I cannot
I cannot attend the meeting because I am busy - hmmmm.  ang ibig sabihin nito, di ka pupunta ng meeting dahil meron kang mas gustong gawin.  So puwede mong sabihin I will not attend the meeting.  Ibig sabihin nag-decide ka na di ka pupunta ng meeting

I cannot attend the party because it is raining.  ang ibig sabihin di ka pupunta ng party dahil ayaw mong mabasa.  well, puwede ka namang mag-payong.  so ang gusto mo talagang sabihin ay...I will not attend the party.  Kung baga nag-desisyon ka talaga.  Di ka pupunta ng party, dahil ayaw mong ipagsapalarang mabasa sa ulan at baka ka pa magkasakit para lang sa party na obviously di mo naman type.

So ayan lang ang 3 examples.  Mga 12 kasi lahat-lahat at 3 hours at training.  Eto ang training na masasabi kong masaya.  parang practical kasi. 

Tapos after the training, inimbitahan nila ako for another session - How to be a Kind Leader.   Muntik na kong masamid.  Dahil sabi ko sa kanila e hindi ako kind.  Pro-active yes of course.  But kind?  sabi ko maghanap na lang sila ng ibang presenter.  hahaha.   So ang topic naman ay naging about Controlling your Career.  hehehe.

No comments: