Thursday, November 3, 2011

Mga Questions para sa PB President

Dear Madam President, eto po ang mga questions para sa inyo:

1) Ano po ang pakiramdam ng pagiging PB President? Totoo po bang pangarap nyo ito?

2) Kasama po ba sa exchange gift ang mga asa PB President tulad dati?

3) Kasama po ba sa Pilahan ang mga PB abroad?

4) Ano po ba ang ibig sabihin ng Modern?  Kasi po alam ni Tito Jorge na si Charlie Chaplin may movie na Modern Times, eh 1936 pa po yon e.  Puwede pa po bang Modern yon?

5)  Ano rin po ang ibig sabihin na Modern na pang-exchange gift?  Eh gusto po ni Tito Egay ng Lacoste na shirt, e 1933 pa po yon.  Di po ba puwedeng modern yon kung ngayong taon naman bibilhin?

Salamat po.

4 comments:

Evot said...

meron pa din ba wishlist para sa exchange gift? kung meron eh kelan ipopost lahat ng mga wishlist para makabili na din kami agad dito...

yet said...

Salamat, ido, sa pag-post mo sa request namin sa 1st PB meeting. Ikaw ang una kong naisip nuong ako ay manalo kasi kahit di ka officer e malaking bagay ang mga contributions mo sa success ng PB happenings.

Eto ang mga sagot ko sa tanong mo at kay evot:

1) Ano po ang pakiramdam ng pagiging PB President? Totoo po bang pangarap nyo ito?

Sagot: a)Masaya dahil nagtiwala ang karamihan (pero mahigpit ang laban kay Kriza.)
b)Nakakatakot kasi magiging open ako sa mga 'okrayan blues'. eto ang challenge sa akin kasi 'due to health reasons' ayoko ma-stress kaya kailangan ma-mind-set ko na di mabwisit.

Hindi ko ito pinangarap at wala sa aking hinagap na ako ay mananalo. Tapos, bigla kang tatanungin ng plano para sa Christmas party? ano ba yan? malay ko bang mananalo ako.

2) Kasama po ba sa exchange gift ang mga asa PB President tulad dati?

Sagot: Kasama po.

3) Kasama po ba sa Pilahan ang mga PB abroad?

Sagot: Hindi po pero nagtanong kami kung gusto nuong kapamilya na nasa abroad na sumama sa Exchange gift.

4) Ano po ba ang ibig sabihin ng Modern? Kasi po alam ni Tito Jorge na si Charlie Chaplin may movie na Modern Times, eh 1936 pa po yon e. Puwede pa po bang Modern yon?

Sagot: Eto po yung nangyayari ngayon, yung 'in' ba. Example: sa mga personalities katulad nung mga porma nina Justin Biever, Lady Gaga, Bruno Mars, Kesha, Chris Brown, Apl-De-Ap.

Sa Exchange gift naman, ang ibibigay natin, accdng to the example of Par e yung 'angry birds'.

Pwede tayong tulungang mag-elaborate ni Dianne, Rap at yung ibang 3G.

5) Ano rin po ang ibig sabihin na Modern na pang-exchange gift? Eh gusto po ni Tito Egay ng Lacoste na shirt, e 1933 pa po yon. Di po ba puwedeng modern yon kung ngayong taon naman bibilhin?

Sagot: Pwede, di naman nawawala ang Lacoste sa panahon.

Evot:meron pa din ba wishlist para sa exchange gift? kung meron eh kelan ipopost lahat ng mga wishlist para makabili na din kami agad dito...

Sagot: We will finalize the program by Monday or earlier, kailangan namin magmeeting muna para maayos..

Salamat, Ido at all PBs!

Tiwala ako sa mga kasama kong officers. Nakita ko na yon kasi nakipag-communicate na sila sa akin nung gabi palang na yon. Lahat kami ay umaasa na susuportahan nyo kami para sa "3M Objectives":

M-asaya,
M-aayos,
M-akatuturang PB happenings!

To quote Par's statement last meeting:"Let us think of the advantages rather than the disadvantages (negative) when we decide." Be positive!

Salamat po,
2012 PB Officers

yet said...

ay, ang haba, daming questions e!ty

yet said...

We will provide you with the ff asap:

1.) Video presentation rules and criteria for judging;
2.) Individual personification o costume;
3.) Exchange gift procedure

Pls allow us to meet muna.ty

2012 PB officers