Thursday, November 10, 2011

Comments, Critics and Chuvaness

Dear Pres. Tita Yet and Officers,

Puwede na bang mag-comment about the programme?  Kasi sayang naman at naturingan na rin akong pasaway at critic, e di panindigan ko na di ba.  Pero ayoko rin maging total kontrabida so paano ninyo gustong iparating ang aking critique?

1) Mild.  Yung medya-medya lang - Yung isang topic lang
2) Medium.  May banat ng konti
3) O yung todo to the max?

Well, kasi isa na rin akong PB balikbayan (naks!) uuwi lang para maki-pasko sa PB.  So dapat sulitin na ang pamasahe at ang bakasyon. Honestly, kinakabahan ako sa theme at programme na nakita ko.  Sayang naman ang byahe e baka maging yung parang Cowboy Christmas lang pala ang mangyayari.  Hahaha, sorry po yun lang talaga ang tumanim sa isip po. 

Isa pa, di na nga kami kasama sa PB Outing sa December, tapos baka parang Amazing Race takbuhan Christmas lang ang mangyari.  hahaha.  nagbigay pa ng isang example.

Masama ba ang loob ko na di kami isinama sa PB Outing sa December?  Aba'y syempre hindi.
May galit ka ba kay Tito Jim dahil siya ang nag-desisyon?  Wala
So bakit lagi mong inuulit-ulit na para kang ewan?  Ay wala pa yan, dahil gagamitin ko talaga ang katotohanang inechapuwera ako at ang pamilya namin ni Tito Jim, hanggang mahabang panahon.  Korek!  maski si Andrei na ang presidente, e uungkatin ko pa rin ito.  Mwa hahaha. 
Bakit?  e Bakit ba nakikialam?  ang saya kaya. 
So wala ka talaga sama ng loob ng lagay na yan?  Wala talaga as in zero.  Ang masasabi ko lang ay kung ginawa man sa akin ito ni Kuya Jim, hinding-hindi ko magagawa sa kanya ito maski sa isip man lang.  hahahaha ang kulit!!!

Anyway, back to the programme.  Yun na nga kasi nga ang hirap sigurado ng biyahe sa December di ba.  Ang daming tao at siksikan pa sa airport.  Tapos ano ba namang contribution yan, 1,000 per person.  Manila Hotel ba ang mag-ca-cater sa atin?  Last year 550 lang ang contribution, OK naman ang food.  At ok din naman ang programme di ba?  May mga angal ba kayo last year?  Kung merong angal, bakit di nyo sabihin kay Ate Edith (hehehe - siya po president di ba). 

Ay sorry, di pala nila sinasagot question ko kung Mild, Medium or Todo to the Max.  pero iyan po ang example ng sobrang mild. ; )

Thanks!

12 comments:

tito jim said...

pasensya na tito ido ! salamat sa iyong pang unawa .

anonimus said...

ang mahal nga ng 1,000 per person

proud pb said...

wala na bang bawas yan?o baka meron kayo naiisip na gimik para makalikom ng pondo like auction ng mga pledge items ng mga mapagbigay na PB.meron ba tayong annual PB bowling?kelan?

par said...

pinarehas lang namin yan P1k (for adults) and P5t (for kids) dun sa contribution last PB Christmas 2011

par said...

Ay male, P5h pala for kids. Cencya na.

Yet said...

Thanks, Par for clarification.

Sayang, mas naintindihan sana dahil pinaliwanag naman lahat ang expected expenses (at iba pang napag-usapan) last meeting (Nov. 1 2011), that's why we came up with this contribution:
A. Catering
- per person
- delivery charge due to proximity of the venue tagaytay

NOTE: Tita edet is helping us get the best and most affordable catering service.

B. Awards for MTV and Individual
(Please see PB Christmas Bulletin#1)
- Cash
- Trophy
C. Tshirts
D. Prizes for the games
E. Decoration expenses,
-Miscellaneous expenses

*Rest assured that the money will be used wisely and will be reported to all PB's by our treasurer Par.

*Excess money after our TERM will be turned over to the next PB officers.

*Umasa po kayo na gagawin namin sa abot ng aming makakaya upang maging masaya at matiwasay ang ating pasko.

* FYI lang po, whatever decision I have made ay resulta ng aming pag me-meeting at konsultasyon na rin sa ibang myembro ng PB na iniisip ko na makakatulong.

Maraming Salamat po.

nagtatanong said...

nasan po ba naka post dito ang program?

saka sino po ba ang mga gagayahin?

parang yung mga ibang modern singer ay wala naman masyado kakaiba sa kanila. Unlike madonna or lady gaga or michael jackson noon, kakaiba talaga sila at ok i-impersonate. pag nabunot mo si taylor swift, ano gagawin mo eh wala naman kakaiba sa kanya?... malamang mananalo si lady gaga kasi yun lang naman ang kakaiba.

sumasagot said...

1. eh di pray mo si lady gaga makuha mo.
2. at kung si lady gaga nga ang napunta sa iyo, galingan mo din para manalo ka kc kung wala naman kwenta ang ginawa mo, eh di bale wala pagkakuha mo kay lady gaga. gets mo?

may fb accts said...

baket sa PBFB may odd numbers for boys at even numbers for girls , ano ba talaga ?

dianne said...

Yung sa FB account nandun po lahat ng example sa mga questions nyo.. Dun din po kayo maglalagay ng napili nyong number. i will update you kung di na available ang number n yun o available pa. I am willing to help po kung may mga questions po kayo regarding Individual Presentation

Para po kay "nagtatanong" nag search po ako ng mga iba't ibang Artist na alam ko na pwedeng may magaya NANDYAN PO SI GOOGLE para makita po natin kung ano ba ang pwede magaya natin sa kanya

After po namin i-reveal ang mga nabunot nyo ilalagay ko po sa PB FB ang mga pictures ng artists para may idea po kayo kung anu po ichura nya or get-up nya


HINDI po namin kinuha ang mga artist na wala naman po kayo magagaya. For further questions pls. Message me nalang po.. FB or text po thank you:)

nagtatanong lang po said...

san ba naka post yon program sa pb christmas party ? ano ano ba ang mga palaro at kelan gagawin ang papila ?

yet said...

Dun sa PB alyas 'nagtatanong lang po' tungkol sa program: ETO ANG SAGOT KO SA 'YO:

"Di pa final ang Christmas PB 2011 Program". we already have draft pero may mga natatanggap pa kami mga suggestions para sa "modern" na games o activities. linawin muna namin ang implementation/time allotment. at mag-esep-eser pa din kami. We will inform you.

Salamat sa mga suggestions nila
1.) Jorge - "WII" ,
2.) Jimmy - car racing daw sa PS2.
3.) Ido - Kinect

May suggestion din daw si edet at si IA at Jorge(pa). I-iinform na lang daw kami sa details.

meron din nag-suggest, isama ang chikahan at tsismisan sa 12-hours.

Duon sa nagtanong sa schedule ng pila: Di pa kami nagpost. We will take into consideration ang request na medyo maaga para di pa antok ang mga pipila.

Sa tanong ni Egay Domingo, sa MTV rules: max 4mins, pwede single song o medley.

We appreciate na maka-receive ng mga suggestions nyo sa
1.) modern games
2.) activities.

Ty and God bless all PBs!!!