Saturday, November 5, 2011

Pilahan 2011 Edition

Taon-taon na lang may comment ako tungkol sa Pilahan na ito.  Ang totoo di po ko against sa Pilahan. 

Nung pumipila pa ako, eto ang isa sa mga pinakahihintay kong event sa buong taon.

Nung una akong nagpapapila sobrang saya ko rin.  Ipagpatuloy ang isang PB tradisyon na may katuturan at may kabuluhan.

Pero netong mga nakaraang ilang taon, nawala na ang PB Pilahan.  Kung ano man ang nangyayari ewan kung ano tawag dun. 

Kasi lately, parang ang mga masasaya ay yung mga nagpapapila at ang mga miron.  Yung mga pumipila, parang walang kabuhay-buhay.  Yun bang parang sila pa ang napipilitan na pumila.  Kelangan mo pang pilitin para sumaya.  Di ba ang corny?  Mas masaya pa ang audience kesa sa kanila.  Meron din namang mga masaya syempre.  Pero ako di ko na nakikita na nasasayahan ang karamihan sa mga pumipila, di tulad ng totoong PB Pilahan. 

Di ata ganun dati.  Kasi ang turo sa amin ng leader namin na si Tito Egay: "Dapat lagi kayong nakangiti, at dapat magpasalamat, maski Bayte ang natanggap.  At maski ala-una ng umaga pa yan - pakita nyo na masaya tayo lagi".

So iyon lang naman ang point ko.  Gusto ko sanang maibalik ang tunay na PB Pilahan - iyong tradisyon na may katuturan, kabuluhan at kasayahan. 

Di porket nakapila, e PB Pilahan na.   

1 comment:

Evot said...

uu nga, napansin ko din yan dati...napansin ko na yung mga masasaya na pumipila eh yung mga matatanda na 3G at yung mga bata eh parang wala lang sa kanila...
pwede ba gawin maaga yung pilahan para macheck natin kung totoo bang pagod na yung mga pumipila kapag late na ginawa yung pilahan o wala lang talaga silang gana pumila?