Thursday, November 3, 2011

Reaksyonary

Nung una kong malaman na si Tita Yet ang naging PB President, ang tanong ko:  "Anong reak ni Tiyang?".  Alam nyo naman si Lola Tiyang di ba, pag merong na-e-elek na Lising (except kay Tito Jorge) e mega-reak na yon.  na-imagine ko na si Tiyang nung na-nominate si Tita Yet, malamang tumayo, nag-taas ng kamay at with matching muwestra ng kamay at paclose-open ng eyes, "Ako na ang nagsasabi sa inyo, hindi nya magagampanan yan"?   Tama ba?  ginawa ba nya yan?  hehehe.

Nung nabasa ko ang mga elected officers...Tita Yet president.  Wow!  puwedeng-puwedeng maging pasaway this year.  Ang sarap maging pasaway pag si Tita Yet ang president.  Don't you agree?  hahaha.  Then nabasa ko ang VP = RapRap.  Mwa hahaha.  Dahil pasaway siya, parang ang sarap din maging pasaway di ba?  Di ba mahirap siyang hagilapin, e kung gawin kaya natin sa kanya lahat yon.  Para lang maramdaman nya ang feeling ng naghahanap ng tao.

Then secretary si Dianne.  Isa pa ito, absenera sa mga meeting.  Eh kung lagi kaya tayong mag-absent, alam nyo yon?  para lang malaman ng mga ito, kung ano ba feeling ng laging absent.

Kaso naisip ko, sobrang bait naman sa akin ni RapRap at ni Dianne.  Sinusunod naman nila ako, most of the time.  At saka, pasaway lang naman sila sa mga magulang nila e, well si Dianne pati sa mga customers.  hahaha, sinabi pa!.  Para sa akin, OK silang dalawa.  So sige na nga di na ko pasaway sa kanilang dalawa.  Patatawarin ko na lagi silang nawawala at umaabsent. 

Tapos, ang coup de grace (meaning = finale or ending) e si Par nga pala ay officer din.  Naku patay.  parang ayokong maging pasaway pag officer si Par.  Ang sungit nun ano! hahaha.

So ganito na lang, pag wala si Par sa meeting, puwedeng maging pasaway.  Pag andun siya, aba'y bahala kayo sa buhay nyo, hahaha.  Don't tell me di ko kayo winarninangan. OK?

No comments: