next week asa Manila ako for 2 days. eto ay para sa biggest speaking engagement ko so far sa aking career. 200 CIOs at CEOs ng mga kumpanya sa Pilipinas, Australia, Japan, US, China at buong Asia Pacific nga.
Dati na kong nagsasalita. Pero dati nga kasi e ang kumpanya namin ang nag-o-organize, so OK lang. pero ngayon, isang Technology company ang nag-imbita sa akin. parang ako ang special guest nila para magsalita tungkol sa latest in technology. juice ko die! 2 months ago kasi inimbtahan na nila akong magsalita sa kanila - pero sa mga empleyado nila at 40 people lang yon.
Well, siyempre tinanggap ko na, once in a lifetime opportunity. At sobrang excited naman ako kasi nga bago ang mangyayari. Until makita ko ang dapat kong i-present. pagkahirap-hirap. kaya 2 weeks na kong nag-pra-practice.
After the event pakita ko sa inyo ang advertisement nila para sa event. nakakatakot! kelangan ko ng lahat ng positive energy at suwerte para next week.
7 comments:
good luck tito ido!!! yakang yaka mo naman yan eh...kaw pa!
may the force be with U...
Kahit anong C's pa ang mga audience kayang-kaya mo yan tito ido!
Eto lang ang unsolicited mentoring ko sayo sa ganitong pagkakataon na sinasabi din ng mga coach kagaya ni Coach Valenzona ng Tanduay nuong 80's pa- "Galingan mo!"
Sending positive vibes!!! Sana may mag video ng talk :)
Ido, medyo talk a little slower. Sometimes, you have the tendency to speak fast. That's just what I noticed although hindi naman napakadalas nito. Good luck and may I request PB for a toast to your successful speaking engagement!!!
Alright! Cheers to Tito Ido!
Kayang-kaya mo ýan! Congrats and cheers!!!
Post a Comment