Tuesday, November 8, 2011

Paper Planner vs Digital Planner

Considering napakaraming Pinoy na ang merong iPhones at smartphones, Galaxy, iPad at iba pang tablets, minsan mahirap ma-gets kung bakit gusto pa nilang magkaroon ng Starbucks planner na paper based.

So bakit kaya?  Status symbol?  Sentimental value?  o talaga bang mas functional ang paper planner kesa sa digital planner?

Tignan nga natin:
1) Stress Test
Kung pukpukan ang laban, e mananalo ang Starbucks planner.  Pupukpukin ng starbucks planner ang iPhone.  Pupukpukin naman ng iPhone ang planner.  Either way, PANALO ang starbucks planner!  hahaha.  Ewan lang kung sinong merong may iPhone ang lalaban sa experiment na ito.
Winner:  Paper planner

2) Search Test
Hahanapin mo kung kelan ang appointment mo with a particular person.  Sa iPhone ang dali lang nito, ang dami kasing cross referencing na nangyayari.  Sa planner, kung matalas ang memory mo, madali mong makikita.  Pero kung hindi, kelangan mong buklatin ang bawat isang page ng planner mo para malaman.
Winner: Digital Planner

3) Price Test
No need to explain...
Winner: Paper planner

4) Rain Test
Ilagay ang planner sa bulsa.  Tumawid ng buong Santan habang medyo malakas ang ulan.  Tignan mo kung sino ang mukhang mas problematic na nangangalaga sa planner nila hehehe.
Winner: paper planner

5) Interface Test
Puwede mong i-upload ang details ng schedule at mga plano mo sa FB, twitter o blog.  Syempre pag paper planner, pipicturean mo ito at saka pa i-u-upload, pag digital planner e mas madali.
Winner: Digital Planner

6) Modern Test
So alin ba ang mas modern?  Ang starbucks planner o ang iPhone?  Kasi ang starbucks planner lumabas lang ngayong November.  Ang iPhone lumabas nung October.  Pero lumabas ang iPhone nung October sa US, di naman sa buong mundo.  At ang starbucks planner e di naman lumalabas sa buong mundo.
So ang tanong pala dito ay... Ano ba ang ibig sabihin talaga ng modern?  mwa hahahaha.

3 comments:

Evot said...

gusto ko nung starbucks planner for collection...sayang nga last year eh hindi ako nakakuha nung starbucks planner.

tyong lohi said...

ang planner yon kalendaryo na nakasabit sa pader , ok yon kasi malaki sya , binubilugan ko lang kung ano mga importanteng lakad at mga pautang ko .

Darwin's Theory said...

mwa hahaha. natawa naman ako sa sinabi ni "tyong lohi". pati pautang...nice!