Monday, May 3, 2010

Paano sasabihin na nagpunta ka sa Palawan?

Discrete.  Yan ang sikreto ang tamang pagmamalaki na nanggaling ka sa Palawan.  I mean, puwede mong isuot ang Avocado Green PB 2G shirt mo, that is a give away.  Pero parang nakakahiya naman (iyong pagmamayabang, at konti na rin ang kulay). 

So, 1st day ng office, work, business tomorrow, so paano mo ba mapapaalam sa iba na nag-weekend ka sa Palawan?

EASY APPROACH
Either namumula ka, nangingitim o nag-vi-violet.  May nagtanong sa iyo:
"So how did you get your tan?".

Ayan na ang chance.  Ikuwento mo na ang mga ginawa mo mula Day 1 hanggang Day 3.

MEDIUM APPROACH
Tanghali na, wala pang pumapansin ng pamumula mo.  E atat na atat ka ng magkuwento tungkol sa Palawan, ano ang gagawin mo?  Ayan, lunch na, ang kasamahan mo sa trabaho ay kumakain ng baon.  Chance!

Ikaw:  "Uy, what is your baon?"
Ka-trabaho:  "Ah, isda po"
Ikaw: "What kind of isda"
Ka-trabaho: "Galunggong po".
Ikaw: "Oh!  Gah-lung-gowwng, I thought it was tuna.  You know, over the weekend we had tuna for lunch on Day 1 and dinner on Day 2".
Ka-trabaho:  "Ah ok"
Ikaw:  "Oh yes, buti naman tinanong mo, kasi asa Palawan kami ng Cuzins ko buong weekend.  17 kami, at 3 days kami dun".

1 comment:

yet said...

sampal-sampalin mo ang mukha mo hanggang mamula tapos may magtatanong sa yo?
"rosy cheeks ka at ang skin mo nag-tan, nagbeach kayo?" sasagutin mo sya ng "yup, we went to Palawan over the week-end.kakainis nga ang hapdi ng na-sunburn,eh"