Medyo kakalungkot ang sobrang panlalait sa mga Jejemon sa Facebook at Twitter. Pati kasi mga kandidato nung eleksyon at ang DepEd e tumuligsa sa kanila di ba.
Wala kasi akong nakikitang masama sa Jejemon. Para kasi itong self-expression, parang sariling language. Nung 70's meron din naming hippie movement sa pagsasalita (syempre di sa pag-te-text dahil wala namang cellphone nun). Eto yung binabaligtad ang mga salita. At marami dito ay sikat pa hanggang ngayon.
Eto mga example:
TIGAS --> naging ASTIG
PANTALON --> naging LONTA
at ang pinakasikat na SIGARILYO - YOSI
Malamang nabuwisit din ang mga tao sa mga gumagamit niyan dati. Pero marami pa rin ang gumamit, at nabuhay nga ng lagpas 30 taon.
Katulad ng dapat huwag mong tawaging "astig" ang boss mo sa formal meeting, e huwag ding gamitin ang Jejemon sa formal theme at essay at schools. Kung sa facebook at blog at text, walang nakikitang masama. Ngapala, meron ng wiki page ang Jejemon ha =).
Bakit hindi subukang intindihin ang Jejemon language:
Examples (galing sa wikipedia):
"3ow ph0w, mUsZtAh nA?" ---> "Hello po, kamusta na?
aQcKuHh --->ako
lAbqCkyOuHh ---> I love you
eEoWpFhUeEhsxz -----> hello
jeJejE ----> hehehe, pagtawa at dito nga nanggaling ang salitang Jejemon e
3 comments:
Hahahaha. Oo na, self-expression na..
Although prinedict nga na kasabay sa pagbabago ng wave ng teknolohiya, nagbabago din ang forms of speech at ilang kalakaran ng mga tao (the medium is the message daw)...
pero paki-explain pls, papano naging Hello ang 30w???
Eto naman article na to, pinapagtanggol din ang mga jejemon. Elitist daw ang pang-aapi sa jejemon...
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=580159&publicationSubCategoryId=80
30w che?!
Ganito kasi yan. Sa Spanish di ba ang double 'l' is pronounced as y. So sa Spanish ang hello dapat ay 'heyo'. Pero remember, letter 'h' is not pronounced in Spanish, which leaves us with 'eyo'. Final step, change the e with a 3, and add w at the end, for the jeje feel. Gets?
Post a Comment