Galing sa airport, dala ang 2 bagahe, dinala ako ni Tita Che-Che sa Singapore Expo. Meron silang IT Expo e - grabe naman sa mga mura ng bilihin. Iyong LCD na TV - 8,000 pesos! Paano ko naman iuuwi, di kasya sa maleta. Ang dami pang mga gadgets na mura. Sayang kulang sa oras at sa maleta space.
Katabi ng IT Expo ang Book Expo. Patay! Eto ang di dapat naming ginagawa. Yung usapan naming 30 minutes - naku naging 2 oras. Sobrang mura naman kasi ng mga libro dun.
Di po exag, pero libo-libo na talaga ang mga libro namin. So kung meron kayong gustong hiramin paki-sabi nyo lang. Baka meron kami - OK na OK namin ipahiram. At kung gusto nyo nga ng Lost Symbol ni Dan Brown, ibibigay ko na sa inyo hehe.
Wednesday, November 10, 2010
Nov 28 - Anong mangyayari
Marami po ang mangyayari sa Nov 28. Nagbabasa po ng Blog si Sr. VIcky ha. So kelangan natin i-explain ang mga ibang activities =).
Simulan natin sa FOOD
- Breakfast from Lola Maam
- Lunch will be Potluck, pero marami raw dala si Tita Edith =).
- Sample ng mga dishes: Katutubo, Spanish, American and Japanese
RAFFLE
- Para sa mga maaagang dumating
JUETENG PB STYLE
- Abangan ang explanation
- (Sister, hindi iba po ito. Di po ito iyong Jueteng sa mga probinsya. Yun lang ang tawag hehehe)
PB AUCTION
- T-shirt na 10 Pesos? Bag na 100 pesos?
- Alamin ang detalye, malapit na
SINGILAN
- Ihanda na po ang 500 per person na contribution
- Pag di po kayo nagbayad sa Nov 28, magiging 700 na po yan
- So agahan po natin magbayad, para makaiwas sa 200 na multa
EXCHANGE GIFT BUNUTAN
- Para maaga mag-prepare
- Para mag-simula na po ng WISHLIST
PAPAKITA NA ANG DESIGN NG PB T-SHIRT
and of course
BUNUTAN NG GROUPING

I'm Back
Nag-landing ang plane namin ng 11:30pm. On-time naman ang eroplano. Pang-6 lumabas maleta ko sa conveyor belt. Walang hassle. Ngapala nakasabay ako ni Maxene Magalona sa byahe. Kasama niya ang mommy niya at ang mga kapatid niya. Ang sagot sa tanong ninyo ay...Hindi. Hindi po siya nagpa-autograph sa akin. Sabagay, di pa naman ako ganun kasikat e. So OK lang sa akin.
Nag-meeting nga kasi ako ng 2 days. Share ko lang ang pics namin sa hotel. Sobrang ganda kasi - one of the best hotels na napag-stayan ko ever. Kasama ko si Tita Che-Che - puwede siyang mag-off from school for the period. Saka sayang din kasi e.
Ang problem di talaga ako mahilig mag-pi-picture. So for example, eto ang kaisa-isang picture ni Tita Che-Che. At bakita nga ba dito pa??? hahaha. Naisip ko kasi, nakakita na ba kayo ng POMENGRENATE? Ngayon lang ako nakakita nito e so excited akong ma-picturean hehe.
Eto naman ang kuwarto namin. Astig ang kurtina - bumubukas at sumasarang mag-isa. Pambihira. Ang laki ng kuwarto, ang laki din ng banyo. Kumpleto sa mga kagamitan - plantsa, bath tub, bar, trouser and tie hangers, safe, exag toiletries. Di ko ma-gets kung bakit merong - gloves. E wala namang oven o garden.
Ang kuwarto ko ay asa 43rd floor (ang RoofTop ay 55th floor) - so ang ganda ng view.
Ngapala. Bumili ako ng iPad at saka ng MacBook =). Pero di para sa akin. Para kanino, kamo? Well, e di malalaman ninyo kung sino ang may dala in the next PB gathering =).
Again, very short and very nice trip to Singapore.
Saturday, November 6, 2010
Ano ba ang Komiti? LOHI?
Kumakalat nga ang balitang nababaliw ang PB Committee 2010-2011. Ano nga naman itong balitang mega-bagsak presyo ang sasalubong sa PB sa Nov 28 meeting.
Well, si Tita Edith kasi ang Presidente, so what do you expect? hehe. Tingnan nga natin ang mga ito?
Well, si Tita Edith kasi ang Presidente, so what do you expect? hehe. Tingnan nga natin ang mga ito?
BRAND NEW and ORIGINAL LANCOME MIRACLE Eau de Parfum - 50ML
Retail Price: 2,200 Pesos
PB Price*: 200 Pesos
BRAND NEW and ORIGINAL JENNIFER LOPEZ LIVE Eau de Parfum - 100ML
Retail Price: 3,300 Pesos
PB Price*: 250 Pesos
BRAND NEW AND ORIGINAL NINE WEST BAG
Retail Price: 3,800 Pesos
PB Price*: 300 Pesos
GENSAN T-SHIRT
PB Price*: 10 Pesos
(10 Pesos??!! Are you kidding?)
MONOTHEME PErfume and BOdy Wash Set
Retail Price: 1,750 Pesos
PB Price*: 150 Pesos
...and
BRAND NEW AND ORIGINAL UNITED COLORS OF BENETTON BAG
Retail Price: 5,200 Pesos
PB Price*: 250 Pesos
Paano ba umorder? o Paano ba makuha ang mga ito?...
Abangan ang susunod na mga announcements. At i-reserve na talaga ang Nov 28 para sa PB meeting
Planner
Para sa mga fans ng Starbucks Planner, simula na po ang pangongolekta ng stickers! This year, 16 stickers lang ang kelangang i-collect. 9 stickers sa kaliwa (Holiday drinks) at 7 sa kanan (Regular drinks).
according to Starbucks Expert Dianne, pag bumili raw ng Via Brew na 12-pack: 3 stickers ang equivalent.
Tapos pag bumili daw ng gift check worth 5,000 - libre na ang planner. Tapos ipambili nyo pa ang gift check ng drinks - e di may planner na kayo ulit.

Good Luck!
Magyar - Taste of Hungarian Food
Kung nagsasawa na sa mga pangkaraniwang restaurants, sumubok naman ng ibang putahe.
Very good ang food sa Magyar isa itong authentic Hungarian Resturant. Specialty nila ang Hungarian Gouslash, Hungarian Sausage at ang Chili Cheese Bread.
Nagustuhan ko dati, kasi di talaga siya mahal. Di tulad nung ibang mga restaurants na masarap nga mahal pa.
Eto ay nasa Magallanes Commercial Center sa Makati, in case magawi kayo run. Sulit!
Nagustuhan ko dati, kasi di talaga siya mahal. Di tulad nung ibang mga restaurants na masarap nga mahal pa.
Eto ay nasa Magallanes Commercial Center sa Makati, in case magawi kayo run. Sulit!
Thursday, November 4, 2010
22 Years
Nag-comment si Tita Che-Che na since 1998 pa pala siya nagpapapila. Nagulat ako dahil 12 years na yon ah! Grabe ang tagal na.
Ako naman, next year ang 19th year kong magpapapila. Bale tumabla na. Kasi 19 years din akong pumila. Puwede ng mag-retire sa pagpila....
Until syempre maisip nyo na paano pa kaya sila Tito Par at Tita Ate? Almost 30 years na sila nagpapapila!!! Grabe naman hahaha. Di pa ba kayo nagsasawa?
Well, lalo rin pag naisip ninyo ang mga 1G. Sabi ni Ma, ang pilahan daw ay nag-start nung 1969. So 40 years na pala ito. Ibig sabihin 40 years na nagpapapila sila Ditse, Nanay, Lola Tiyang, Tiyong, Lolipot, at Lola Maam. Hahaha! Ang tagal na. Kung inipon nila ang mga pera nila at di pinapila - puwede ng pambili ng kotse yun!

Subscribe to:
Posts (Atom)