Tuesday, May 4, 2010

PB2G G2Palawan - Day 2 Dinner

Maraming salamat kay Tito Jorge and Tita Helen para sa aming Day 2 Dinner! 




Una pumunta kami nila Tito Jorge sa Kinabuch Grill.  Nirekomenda kasi ito ng isa sa mga tour guides.  Nang dumating na kami dun...Hmmmm.  Di impressive.  Tapos puna na rin ang main dining hall.  So balak kaming ilagay malapit sa parking lot.  Sabi nga ni Tito Jorge, "Puwede kang pumarada ng tricycle habang kumakain".  So nag-tricycle kami para sa isa sa mga sikat na restaurant sa PP - ang Balinsasayaw.

Sa Inggles, ang Balinsasayaw ay Swallow, iyong ibon na pangkaraniwan sa Palawan, lalo na sa El Nido.  Dito nga nanggaling ang sikat na Nido Soup.  Korek! at pasintabi sa mga kumakain - ang laway ng swallow na ginagawang pugad o nest ang main ingredient ng Nido Soup.

At ang laki naman ng ganda ng ambience ng Balinsasayaw kesa sa Kinabuch.  Native Filipino resto kasi.  So apart from maganda na ang entrance (parang Bahay Kubo within a Garden), OK pa rin ang dining area - consistent with the native theme.

(Nagsimba nga pala ang isang van, kasama nila Sr. Vicky.  Sayang talaga at di na kami kasya, so nauna na lang kami sa Dinner place =)

So Umorder na rin kami.  As usual, ang dami na naman naming food.  For starters, we had Corn Soup. Sarap!  For main course, we had Chicken Barcbecue (specialty ng resto), Ensaladang Talong, Lumpiang Shanghai, Shrimps.  Deliberately, iniwasan na ni Tito Jorge ang Tuna kasi nga 3-in-a-row na kami.


(mapupula na ang hasang - tanned from Honda Bay)


30 minutes after, dumating na rin ang mga nag-simba.  Actually, nag-shopping pa pala sila kaya natagalan.  Ngapala by this time, kasama na namin si Tita Eyan.  And by then, nagawa na rin niya ang customary Puerto Princesa welcome.


After dinner, nagsakitan po ang tiyan ng marami sa amin.  LBM in Palawan eeeuuuw.  Di nga namin ma-gets ang pattern, kung bakit sila nagkanun.  For example, ako kinain ko naman lahat at uminom din ng tap water, pero wala namang nangyari.

Ngayon ko lang naisip, teka baka ang LBM ay dulot ng Avocado Shake at Pag-pa-paHenna. Sila po ang matinding tinamaan(so kilala nyo na sila), at wala na talagang common sa kanila bukod dun. I don't think galing sa Balinsasayaw ito.




One of the best pictures of our 3 Day trip was taken during the Day 2 Dinner @ Balinsasayaw.  Talagang lahat tumatawa, maski na nga waiter.  Si Tito Jorge, sobrang pula na rin.  Dahil sa sobrang daming jokes nung gabing yon, nakalimutan ko na ang "hawak sa baba" joke.  Ano nga yon?



nj0y

May nagtanong nga sa akin, "nag-enjoy ba lahat ng 2G sa Palawan Outing?".  Sabi ko, tingin ko Oo.  Para nga kasing naging napakaayos ng buong 3-days.  Very organized nga ang nangyari.  Bordering on stressful minsan, pero OK naman. Kesa boring.

Buong 3 days, walang mega-hassle, walang major problem, lahat maayos.  Apart from the very bad plane landing at Palawan, and the Pandan Beach 2G incident nga, wala akong maalalang aberya.  Which is amazing kasi 3 days magkakasama ang mga taong matitindi at iba-iba ang personalities.

Schedule-wise, everything fell in place.  Laging on-time dating ng mga vans, laging ready ang mga tour guides namin, at never talaga kami nagutom.  Importanteng makapagsimba si Sr. Vicky.  Check!  Importanteng maka-pag Tiangge si Ate Vangie Part 2.  Check!  Nasundo si Tita Eyan sa Airport.  Check!  So maraming small wishes ang natupad.

Very memorable and enjoyable 3 days.  Kayo rin?

1,000

This is the PB Blog's 1,000 Post.  Yehey!  So maraming salamat sa pagpatuloy na pagsubaybay sa ating PB Blog.

Nung 10 years old ako, una akong gumawa ng parang PB Blog.  Syempre sa papel, dahil wala namang internet nun masyado.  So parang newsletter/blog.  Gumagawa ako ng parang dyaryo na merong section ng balita, opinyon at syempre mga tsismis.  Ang problema, by the 3rd edition sobrang dami na ng tsismis.  At sino ba ang tsinitsismis?  Eh di siyempre ang mga taga-PB din. 

Nung una tinatago ko talaga ang Santan Herald (kasi Morning Breeze Herald sa School EIC ako e =), dahil nga baka pagalitan ako pag may nagbasa nun.  At tawagin pa kong tsismoso e Grade 5 pa lang ako.

One time, di na ko makatiis at kelangan kong pakita kay Mommy.  Pero tinago ko kay Daddy, kasi baka di nya ma-gets.  Pero pinakita rin ni Mommy.  So laking gulat ko na tuwang-tuwa ang Daddy sa Newsletter nung mabasa nya.  Sobra nga siyang bumilib - kasi nga may mga pictures pa (parang dyaryo talaga!).  Sabi nya, ako lang ang makakaisip gumawa ng ganun, well ako lang ang may tyaga.  Ang angal niya - di nya mahulaan ang mga blind items hahaha.  Pero syempre ang saya ko nun dahil maski si Daddy e nagustuhan ginawa ko.

Di ko na nga alam kung saan na ang newsletters na yon.  Tinago ko kasi talaga dahil feeling ko papatayin ako ng mga pinsan ko pag mabasa nila nakasulat dun - dahil sinisiwalat ko ang mga sekreto nilang lahat!

...27 years later.  Iba na ang format, mas malaki na ang saklaw, mas marami ng puwedeng magbasa, at interactive na.  Pero ganun pa rin, balita, opinyon at tsismis tungkol sa Pamilyang Reyes - Pamilya Banal.

Monday, May 3, 2010

PB2G G2Palawan - Day 2 Island Hopping

Syempre, since Island Hopping - konti lang ang pictures namin ng Day 2.  For example, wala nga kaming dala maski na ano papunta sa Snake Island.  Talagang snorkel lang.  Concerned nga kami ni Tito Jorge kay Ate Edith - biruin mo iniwan niya ang wallet niya sa boat.  Grabe, pag may nakakuha nun, puwede ng bilhin ang island.

Anyway, favorite talaga ng 2G ang Pambato Reef.  Eto yung, pupunta sa laot malapit sa Coral Reef "House", at dun mag-snorkel.  Ang lakas nga lang ng current at talagang tatangayin ka pag di ka nag-effort lumangoy. Pero maski kakapagod ...Go! pa rin kami. 

Pangalan pa nga lang kasi...so sa Pambato Reef mo makikita ang mga magagandang corals sa Pilipinas.  Tinuro nga sa akin ni Tito Egay ang isang coral na kulay Blue - astig, parang pelikulang Disney.  Andito rin ang mga interesting species ng fish.  Meron ngang Tiger Fish, Swordfish, Dilis, parang-Talakitok fish, parang Tilapia-fish, at parang Galunggong.  Parang lang siyempre, malay ba namin, di na naman namin tinikman.


(ready na mag-snorkel.  hmm bakit si ayo mukhang isda na)


(the Lising Ladies coming back from the Pambato Reef)


(sobrang saya sa Pambato reef, pero kakapagod talaga as you can see from Tito Par and Tita Bhogs)




(Tito Egay and Tito Egay swimming back against the strong current)


(Tita Vangie, Tito Jim, Tito Ido, Tita Che, Tito One and Tita Eyan waves across to Sr. Vicky and Tita Edith)




Di na sumama sa aming mag-snorkel sila Tita Edith, Tita Ate, at Sr. VIcky.  So nung pabalik na kami from Pambato Reef, naganap ito between Tita Yet and Tita Edith.

Tita Yet:  "Grabe 'Det sobrang daming isda dun!"

Tita Edith:  "Syempre dagat yan.  Ngayon pag nakakita ka ng kalabaw diyan, tawagin mo ako".

Day 2 - Issues

Mga alas-onse ng umaga ng Day 2 nung masimulang ma-high blood si Tita Edith.  Kasi daw, nagbabalak gumimik ang mga 3G.  Tipong lahat ng sasakyan nila ay naka-schedule gamitin.  Hmm. may problema pa rin pala maski 4 ang sasakyan.  Anyway, ayun na po, nasimula ng tumaas ang presyon ni Tita Edith.

Naalala ko lang, si Par ay nagsimula ng magtatawag ng mga 3G para kausapin at intindihin ang plano.  Tinawagan ni Tito Par si Karen, Evot pati ata sila Kevin.  Medyo matagal din naging topic ito e.  Actually sobrang concerned talaga ng mga 2G dito ha.  Napapataas nga sila ng boses e, habang dini-discuss ang issue.

Sa sobrang concerned, eto nga ang mga example na reaksyon.
Tito Ido - Ayo, bili mo pa nga ako ng isang buko.  Sarap e.
Tito Jim - magpa-henna tattoo kaya ako.  At nagpa-henna nga siya ng scorpion sa braso
Tito One - Ako rin!  At naghenna nga siya ng Sun with the letter R.(May bago ka na naman,'Ne, letter R?)

Sobrang concerned talaga sila.  Actually nalimutan ko na nga kung paano na-resolve ito e.  Parang si Evot na nga ba ang mag-dri-drive o si Boyet.  Basta daw, hindi si Karen - kasi delikado talaga pag siya ang nag-drive, bagong bili kaya ang Montero.  hehehe.

Di ko sure kung ano ang opinyon ng ibang 2G tungkol dito.  Sayang nalimutan kong interviewhin si Sr. Vicky, kasi nga busy ako sa pag-plano ng kakainin ko for lunch.  Kakapagod kaya mag snorkeling.

Ang nasabi ko lang ata ay, "Ang tatanda na ng mga yan ano?!  Bakit ano ba pinaggagawa nyo nung 20 years old kayo"?  Mwahaha.  text nyo na lang ako mga 3G kung gusto nyo malaman.  Pero since tinignan nila ako ng masama sa sinabi ko, kumuha na lang ulit ako ng crabs. 

In summary, ano bang masasabi ninyo dito?  Basta ako, eto lang - ang sarap ng buko juice pag asa beach.

PB2G G2Palawan - Day 2 Honda Bay

Our Day 2 started really early.  6am palang nag-breakfast na, kasi ang van pick-up ay 7am.  Excited ang lahat dahil ang Day 2 ay Honday Bay tour, meaning island and beach hopping.  We had 3 stops:  Panday Beach, Snake Island and Pambato Reef.

Sinurvey ko ang mga 2G, and, majority talaga favorite ang Day 2.


The first boat ride to Pandan Bay.   All 16 of us together with guests from the USA.


Since we had an American guest, meron kaming local tour guide at English-speaking guide - Tito Par.

We arrived at Panday Bay a little after 8am.  And as always, the first order of business -Picture Taking.


2G Boys - doing a Bagets pose

All smiles ang 2G Girls against the tree.  Syempre si Ate Yet ay di na naman naka-smile.


and together naman.



2G Scandal:  Ano ba yon?  parang naghihilamos lang!
(maisip mo bang si Tita Helen ang nag-direk ng mga ganyang posing?!  Inferness, siya ang pinaka-feel-na-feel ang expression sa picture)

Napag-desisyon kong huwag ng maglagay ng mga pics ng mga naka-bathing suit full-body dito.  Well, cino-consider lang natin ang estado sa buhay ng mga PB lalo na ang mga 2G Girls.  Kung gusto niyo ng mga picture ninyo, sumulat na lang at ipapadala natin privately.  Para sa kapakanan nating lahat po ito.

Nag-lunch kami sa Pandan Beach ng mga 11:00am.  Part kasi ng Tour yun.  Meron kaming Grilled Tuna(3-in-a-row),  Squid, Inihaw na Liempo, Gulay at Tirang Lapu-Lapu from yesterday's lunch.

Ngapala, many thanks to Tita Ate for buying Crabs for the Day 2 lunch.  Sa lahat ng handa, iyon ang naging favorite sa lahat ng mga pagkain.  Maraming salamat Ate! 

A little before noon on Saturday, pumunta na kami sa aming second destination:  Snake Island.












T-Shirts on Day 1

Day 1 was definitely the most "relaxed".  Di pa ganun ka-hectic ang schedule.  Di ba nga meron pang nakapa-massage.  Still marami ring highlights ang Day 1.  Alam nyo naman sa malaking trip, ang pagka-enjoy ay depende sa kasama.  Sa mga hiritan pa nga lang enjoy na.

One of the highlights of Day 1 was the debut of our PB Shirts.  Very good idea talaga.  Again, many thanks to Tita Eyan for the design.  And super thanks to Tito Jim and Tita Vangie - nilibre na nila ang T-Shirts.  Yehey.  At ang babango talaga ng t-shirts ha, inferness.

PB 2G G2Palawan - Dinner @ Ka Lui

Nung-dinner, tri-neat ni Tito Ido ang 2G sa Ka-Lui.  Isa ito sa mga pinaka-popular na resto sa buong Puerto Princesa.  Nakalagay nga ito sa Lonely Planet Guide.

As always, ang sarap sarap ng dinner.  We had:  Grilled Tuna, Sauteed Kangkong, Buttered Prawns, Grilled Squid and the house special - Seafood Sisig.

For Drinks, karamihan sa amin umorder ng Fresh Buko. 

Hmmm.  Ano ba talaga meron sa entrance  na ito, at pakuha sila ng pakuha ng picture?


Relaxing before dinner is served. Sobrang hectic kasi ng schedule on Day 2.




 
(pang-picture lang yan ni Tita Yet, e Avocado shake kaya ang inorder nya)
*********

After Dinner, iba't iba ang ginawa ng mga 2G.  Merong mga nagpa-massage sa kanilang kuwarto.  Merong naglakad papunta sa "nawalang beach", dahil low tide.  Meron ding nag-mahjong.  Merong nag-poker. At meron ding natulog na.  Paano, ang call time for breakfast the next day ay 6am.