Wednesday, December 22, 2010

Kung anu-ano

1.  Tito Jorge, walang sumasagot ng question mo.  Alam mo naman sa PB...kelangan ng carrot.  Lagyan mo ng prize yan may sasagot =).

http://pamilyabanal.blogspot.com/2010/12/bewang-size-ni-tito-jorge.html

2.  Tita Che-Che had been quiet these days.  Asa Thailand kasi siya attending the UN Conference.  Ang comment niya tungkol sa conference?  Ang cutie naman ng PM ng Thailand hahaha.  Ayos.  Eto ang picture ni Prime Minister Abhisit


3.  Kelangan ko pala ng ride bukas.  Sino po puwede magsabay sa akin?  Office pa ako e so galing ako ng Makati.  Thanks po!

4.  Sino gusto ng Balot?  Reserve ko kayo para sa Katutubo morning merienda sa Saturday.

5.  Saan nga pala tayo sa Jan 1?


Tuesday, December 21, 2010

Quotable Quotes

Dahil maraming teams ang nagpra-practice, eto ang mga narinig o nabalitaan namang deklarasyon ng ibang grupo.  Huwag na lang natin sabihin kung sino nagsabi at kung kanila nila pinapatungkol.  Makibalita na lang kayo.

OK lang matalo sa Hapon, pero di ko matatanggap na matalo sa ibang teams
Kulang naman ang awards ng komiti.  E sa team namin 3 na kaagad ang Best Actress
Bakit ganon?  Kami di nag-pra-practice.
Yo, Yes Yes Yo!

PB Best Actress

Huling bahagi ng PB awardee series, tignan naman natin ang mga naitanghal na Best Actress at Best Female Performers.



KAREN
Scored her first Best Actress award in 2007 para sa High School Musical.  Long overdue na ito.  Di ba ang arte-arte kasi nya sa totoong buhay hahaha.  So finally, na-i-translate niya ang kanyang natural na kaartehan sa isang video.  Inferness, tinalo niya ang mama niya sa award na ito. 





IA
2006 Best Actress si Ia para sa kanyang kagila-gilalas na performance sa Shake Rattle and Roll.   Matindi sa impact at sa recall value.  1-day lang siya before the Christmas Presentation, so we'll see kung ma-du-duplicate itong natatanging award na ito.


TITA DANG
as Mystika during 2001 MTB.  Pinagtatalo ni Tita Dang ang buong PB, emerging as ultimate winner.  Tandaan na siya ang Last Live Performance best performer, so kabahan na ang kalaban sa kanya this year.


TITA EYAN
Best Actress si Tita Eyan bilang Ariel sa Little Mermaid nung 1993 Disney Christmas.  Grabe 17 years ago na pala yun.  Live performance ito, pero talaga namang cinareer niya ng todo (picture pa lang, serious na!).  Actually over the years, lagi namang finalist si Tita Eyan (Top Ten sa Maskarahan, honorable mention sa MTB at Retro, at 2-time Best Supporting Actress nominee). 



TITA EDITH
Siya ang most-awarded PB Performer in the past 22 years, winning 4 Best Actress/Female Performer Awards.  Una nung 1998 Maskarahan bilang Lola.  Next nung 1995 bilang Igorota.  Ang kanyang Best Actress trophy ay napanalunan niya nung 1996 Sitcom, gumanap siya bilang Carmina sa Oki Doki Doc.  Nung 2002 Retro, nanalo na naman siya as Madonna.  Siya na ang TIRADOR ng LIVE PERFORMANCE.  Di pa siya natatalo as performer sa PB ever! (nung nanalo si Karen, video kasi yun).


Since President si Tita Edith this year, di siya mananalo this year.  So sino kaya?

Best MALE Performers

Merong nagsasabi na mas magagaling na performers daw ang mga PB Girls kesa sa boys, agree ba kayo?  I guess kanya-kanyang opinyon yan.

Ngayon, tignan natin ang mga naitanghal na Best Actors or Best Male Performers sa 22 taon ng PB Pasko.




EVOT
2007 Best MTV Actor.   Nanalo si Evot sa kanyang, suwabe pero malanding performance sa High School Musical.   Di nakaka-surprise ang kanyang Star Quality, ang nakakagulat siguro e ang pinamalas niyang kakapalan ng mukha sa video.  Well sulit naman.  Ikaw na!   ang defending Best Actor






KEVIN

2006 PB Filmfest Best Actor winner si Kevin para sa pelikulang Shake and Rattle and Roll.  Nung opening scene pa lang (yung tumatakbo siyang duguan papuntang kotse), alam na ng lahat na siya ang Best Actor.  Sana masundan ito



TITO IDO
is 2 time Best performer.  Pinakahuli nung 2002 Retro bilang John Travolta.  Ang una nung 1993 bilang Aladdin sa Disney Christmas.  Pero nag-semi retirement na sya at di na masyado nag-pe-perform.


JAYE
is the youngest Best Actor winner in PB history.  Nanalo siya nung 1986 PB Sitcom, so 15 years old siya nun.  Ang role niya ay Bilang Babalu sa Oki Doki Doc (korek hindi Aga Muhlach).  Sobrang galing niyang umarte nun, natural ang dating.  Pero JayE, 14 years ago na yun ha.  So sana OK ang role mo this year, sayang naman.

TITO ONE
is the most-award PB male performer.  Siya ang Best Performer nung 2001 MTB bilang Michael Jackson.  Best performer din siya nung 1995 Kanta at Sayaw bilang Igorot, at Grand Prize winner nung kauna-unahang PB Maskarahan of 1998.  Puro live performances pala siya nanalo, so lyamado pala siya sa format this year.





This year, di puwedeng manalo si Evot (alangan naman) at si Tito Ido.  So sino kaya ang magiging Best Male Performer this year?  Kevin, JayE, Tito One?  O magkakaroon ba tayo ng bagong awardee?

Saturday, December 18, 2010

Sino ba talaga Nanalo?

...nung 1992 PB Sportsfest.  Di ko lang maalala.

Yellow Team nga ba? With Par as leader
Or Red?  With Tita Edith as leader (pero ang alalao ko kasi 4th place sila e)
Or Green?  With Tito Jorge as leader (wala lang digitized pic.  Alam ko sila ang nanalo sa Best Cheering, pero not sure kung sila overall?)
Or Blue with Tito Jim as leader?

President One and President Ayo, naalala nyo ba?



Bagong Pera

Interesting naman pala ang bagong perang Pinoy.  Mas makulay at ngayon meron ng pictures ng mga sikat na lugar, hayop at bagay sa Pilipinas.  Natanggal na rin sa picture si GMA =).

Lalabas daw ito ngayong Dec 2010.

(paki-click na lang kung gusto nyo lakihan)

eto naman ang dalawang commemorative na pera.  Isang 2,000 bill at isang 100,000 bill!  Wow!  Eto ang perang di nilalagay sa wallet.


Thursday, December 16, 2010

Best Child

3 pa lang ang na-awardan as Best Child Performer sa PB.  Sa dami ng cute na mga bata, dapat ata mas madalas ang pag-recognize sa kanila. 

KATHLEEN
As youngest Britney Spears sa MTV na Hit Me Baby One More Time, napanalunan ni Kathleen ang Best Child Performer nung 2007.  Nagdrama, kumanta, sumayaw, san ka pa? 




GAB
Huge upset ang nangyari nung 2006 nung tanghaling Best Child Performer si Gab para sa pelikulang Super Inggo.  Huge surprise din naman kasi ang performance ni Gab bilang sidekick ni Super Inggo.  May timing, ayos ang dialogue at matindi ang audience impact ng acting nya.





CAMAE
Ang kauna-unahang Best Child Performer ng PB ay na-awardan nung 1993.  Grabe 2 years old pa lang siya nun at may acting award na.  Si Camae rin ang natatanging acting awardee natin na ang role ay bilang HAYOP.  Opo HAYOP po si CAMAE, dahil siya ang pusa ni Pocahontas.  So, pag na-Best Actress si Camae this year - siya pa lang ang merong Best Child, Best Supp Actress at Best Actress.  Matindi.




Tingin ko matindi ang laban para sa award na ito this year.  Dami kasing mga bata na nagpapakita ng potential.  Sana mabigyan sila ng mgandang roles - exposure kung baga.