Tuesday, December 21, 2010

Best MALE Performers

Merong nagsasabi na mas magagaling na performers daw ang mga PB Girls kesa sa boys, agree ba kayo?  I guess kanya-kanyang opinyon yan.

Ngayon, tignan natin ang mga naitanghal na Best Actors or Best Male Performers sa 22 taon ng PB Pasko.




EVOT
2007 Best MTV Actor.   Nanalo si Evot sa kanyang, suwabe pero malanding performance sa High School Musical.   Di nakaka-surprise ang kanyang Star Quality, ang nakakagulat siguro e ang pinamalas niyang kakapalan ng mukha sa video.  Well sulit naman.  Ikaw na!   ang defending Best Actor






KEVIN

2006 PB Filmfest Best Actor winner si Kevin para sa pelikulang Shake and Rattle and Roll.  Nung opening scene pa lang (yung tumatakbo siyang duguan papuntang kotse), alam na ng lahat na siya ang Best Actor.  Sana masundan ito



TITO IDO
is 2 time Best performer.  Pinakahuli nung 2002 Retro bilang John Travolta.  Ang una nung 1993 bilang Aladdin sa Disney Christmas.  Pero nag-semi retirement na sya at di na masyado nag-pe-perform.


JAYE
is the youngest Best Actor winner in PB history.  Nanalo siya nung 1986 PB Sitcom, so 15 years old siya nun.  Ang role niya ay Bilang Babalu sa Oki Doki Doc (korek hindi Aga Muhlach).  Sobrang galing niyang umarte nun, natural ang dating.  Pero JayE, 14 years ago na yun ha.  So sana OK ang role mo this year, sayang naman.

TITO ONE
is the most-award PB male performer.  Siya ang Best Performer nung 2001 MTB bilang Michael Jackson.  Best performer din siya nung 1995 Kanta at Sayaw bilang Igorot, at Grand Prize winner nung kauna-unahang PB Maskarahan of 1998.  Puro live performances pala siya nanalo, so lyamado pala siya sa format this year.





This year, di puwedeng manalo si Evot (alangan naman) at si Tito Ido.  So sino kaya ang magiging Best Male Performer this year?  Kevin, JayE, Tito One?  O magkakaroon ba tayo ng bagong awardee?

1 comment:

evot said...

sayang...hindi ko madedefend yung best actor award ko...