Monday, December 6, 2010

Budget Para sa Pilahan

Sabi nga ni Pres. Edith - pipila na si Kevin and Kriza.  Sabi rin niya, ang mga gustong mag-papila ay magpapila.  Simpleng patakaran.

Malamang nag-iipon na ang PB na magpapapila.  Tandaan na 23 po ang official na pipila this year.  Eto po calculations:

1)  Kung 1,000 pesos each= 23,000
2) Kung 500 each = 11,500
3) Kung 200 each = 4,600
4) Kung 100 each = 2,300
5) Kung 50 each = 1,150
6) Kung 20 each = 460 pesos.

Si Ia at Camae lang pala ang College Students sa buong PB?  Tama po ba, may nalimutan ba?

Kung gusto po ninyong papilahin ang buong PB, 59 po ang papapilahin ninyo.   Kasama po sa bilang na yan ang 5 PB nasa Abroad by Dec 25.

Para sa nagpapapila:  Kung ano po ang bukal sa kalooban, yun po ang ipapila. 

Para sa pumipila: Magpasalamat kung ano ang natanggap.  Mahirap talaga ang buhay ngayon, di tulad dati.

10 comments:

evot said...

sino kaya ang pinakamalaki na makukuha sa pilahan? si camae at IA ba kaya kasi sila lang yung college students...
basta kami ni charisse eh magoonline during PB xmas party at PB pilahan... =)

Tita tetes said...

Si mm nakalimutan... College din sya, finally. Naatras kasi sya ng 1 year nung napunta sila Canada (nag-grade 10, 11 at 12) pa!

nagbibilang para sa pilahan said...

6 ang PB abroad.
4 sa canada at 2 sa US

nagtatanong lang po ! said...

yon bang nasa US eh pipila o magpapapila ? yon din bang nasa canada ilan ba ang magpapapila at ilan ang pipila ?

ido said...

sabi na nga ba. 1 linggo walang nag-co-comment pero pag usapang pilahan, guaranteed may nag-co-comment! hahaha

Eto na po ang tamang numbers:
8 PB Abroad: 4 sa Canada, 2 sa US at 2 sa Singapore. Uuwi nga po kasi si Tito Boyet at Ia, dito na sila by Dec 25.

Oo nga pala. College na si MM. Nakaklito naman kasi sa Canada and US - High School na e grade pa ang tawag. Sorry po.

Magpapapila ba ang mga asa Canada at US at Singapore? Di ko po alam ang sagot. Aba'y sila na ang tanungin natin =).

Tita Tetes, Tita Che-Che, Tita Petite, Evot, Charisse, Popoy? What is your answer to the question =)

PB CANADA said...

Pwede po p prehas..?:-D hehe

evot said...

magpapapila kami ni charisse at sabay na kami sa isang pilahan. =)

Petite said...

Diyan na lang po ako magpapapila... cyah soon!

ido said...

Natapos ko na rin ang Pila budgeting ko. Kaso malapit na ko mawalan ng trabaho.

So Math Quiz na talaga gagawin ko. Pag nakasagot may pila, pag hindi e di wala. hehehe. So mag-aral na mga 3g na pipila kung gusto nyo ng pila. hehehe

Evot said...

3g ako so pwede ako pumila kay ninong tito ido...math lang pla.favorite ko ang math...hehe