BEST IN COSTUME: Spanish
Eh grabe naman ang mga costumes ng Spanish team, mula sa bata hanggang kila Nanay at Ditse talagang authentic Spanish era. Makatotohanan ang costume ng mga Muslim, mga katipunero maski ni Jose Rizal. Detalyado naman ang mga costume ng mga babaeng naka-pang Maria Clara -ang gagara ng mga costumes nila Tita Helen, Lola Maam, Ditse, Nanay, pati nga yung kay Pia. OK rin ang costume ni Par as Jose Rizal, pati nga nung nagtitinda ng puto bumbong.
BEST IN ARTISTIC DESIGN: Katutubo
Mahirap naman kasi ang production design ng Katutubo, kaya OK na OK yung paghahalo ng video, pictures at yung pagkakagawa nila nung mga hayop. Ayos din kasi yung sound effects nila na minsan galing sa video at minsan live.
BEST CHILD PERFORMER: Andrei from Hapon
Alam na nating lahat ang potential ng batang ito. Pero nung presentation nila, nagpakita na siya ng galing sa live stage. Ang role niya ay batang Makapili =). Korek! Ang OK sa performance niya, maski nakatalukbong siya ng bayong, nakikita kung paano siya umiling, tumango, at magturo. OK din siyang sumaway ng Turning Japanese.
Nominees:
Carl ng Katutubo - bilang kambing na nasabugan ng Pinatubo, ayos nga ang acting ni Carl e, makatotohanan ang pagbagsak niya
Ashlie ng Americano - cute naman ng acting ni Ashlie kasama ang lolo niya. Listang lista pag dating sa stage.
BREAKTHROUGH PERFORMANCE MALE: Rap-Rap from HAPON
Matagal ng alam ng PB na OK na performer si RapRap. Pero eto ang kanyang unang official na award. Matindi kasi ang timing niya bilang side-kick ng General na Hapon. Kaya siguro siya, kasi ginawa niyang medyo light ang mga medyo mabibigat na eksena.
Nominees:
Carlo ng Hapon - galing umarte ni Carlo ha. Career! seryosong-seryoso. OK rin na galing siya sa audience, mas lalong buhay ang kanyang character na Pilipinong lumaban sa Hapon
Unyoy ng Americano - galing sumayaw ni Unyoy as always. role kasi niya e iyong batang Lolo nung panahon ng Americano
Miguel ng Americano - talagang breakthrough ito kasi nag-solo dance number siya. At OK na OK. Congrats Miguel on your first nomination.
BREAKTHROUGH PERFORMANCE FEMALE - Kathleen from Hapon
Isa pang breakthrough na umarte si Kathleen sa live stage. At seryosong acting talaga ha. Role kasi niya e kasama ni Carlo na lumaban sa mga Hapon. Galing ng timing lalo na nung pakikipagsampalan niya at nung nabaril nga siya. Congrats Kathleen.
Nominees:
Dianne ng Kastila - aba'y cinareer naman ni Dianne ang kanyang role. Sino bang mag-a-akala na ang nagtitinda ng puto bumbong ay ma-no-nominate? Ayos kasi ang atake niya sa role. Congrats Di on your first PB nomination.
Dang ng Katutubo - 15 seconds lang ang role niya bilang kontra-bidang may-ari ng bahay, pero epektib, parang di naman siya umaarte
Rhoda ng Katutubo - isa pang 15 seconds na exposure, pero makatotohanan talaga. nakakatakot nga e, parang ang sungit talaga ni Tita Rhoda (sa stage lang daw ha =)
Siony ng Hapon - talaga! umakting talaga ng husto si Tita Siony at nagsayaw pa. Marami nga ang nagulat sa kanyang performance.
Yet ng Hapon - isa pang maikling exposure ang performance ni Tita Yet. Nagpakitang gilas niya nung makatotohanang pagbagsak matapos siyang sampalin ng Hapon. Maisip ba natin na isang sampal pala ang maglalabas ng kanyang acting talent? Mahusay Ate Yet.
MALE PERFORMER: One from Hapon
Si Tito One ay nag-drama, nag-Action nag-Comedy at nag-Musical. All-in-one. San ka pa?
Nominees:
Kevin ng Kastila - talagang dinibdib niya ang kanyang acting award nung 2006. Kasi sobrang emote siya nung nagpupunit ng sedula.
Par ng Kastila - career mode din ang acting ni Par ha, lalo na nung Jose Rizal siya na babarilin na.
Boyet ng Americano - eh ang galing naman talagang kumanta ni Tito Boyet, so di kakagulat na nominated siya. Next time song and dance na ha?
FEMALE PERFORMER. Karen from Americano
Mahirap ilagay sa salita ang ginawa ni Karen. Tuwing maririnig ng PB ang kantang New York New York, iba na ang ibig-sabihin. OK sa performance ni Karen, maski nagsasayaw full-emote pa. Sumasayaw na umaarte pa
Nominees:
Camae from Hapon - Ilang beses siyang nakipag-sapakan sa mga Hapon, pero ang galing ng timing every time. Kapani-paniwala talaga ang performance niya. Pero tingin ko babawi siya next time.
Eyan from Americano - Wow! convincing ang performance ni Tita Eyan bilang Lola na nagkukuwento sa mga apo niya. Mula porma, hanggang salita, kakabilib. Malamang hudyat na ito ng pagbabalik ni Tita Eyan sa performing, matagal tagal na rin ang kanyang last Best Performer award nung Little Mermaid siya.
BEST PRESENTATION: Hapon
Eto ang sabi ng mga judges sa presentation ng Hapon:
Magaling! Naipakita nila ang nangyari nung panahon ng Hapon. Ang gagaling din ng mga performers.
Impressed ako. Alam naman natin na ang mga dating Best Actress at Best Actor awardees ay nasa team na yan, kaya nga Excellent ang acting nila.
Mahirap gawin ang mga sapakan at action scenes sa live stage. Tapos pati yung choreography nila nung dance number mahusay. OK ang continuity at laging balanced ang stage, laging may nangyayari.
Sobrang OK po. Ay may nag-text....Bansai!
2nd - Americano
Pag napanood mo ang presentation, alam mong si Jorge ang leader. OK ang acting ng mga performers at talagang malakas ang impact.
Ginamit nila ang kanilang mga talents. Ang magaling kumanta, pakantahin. Magaling sumayaw, pinasayaw....mahirap gawin ang dream sequence sa live presentation kaya OK sila.
3rd - Kastila
Nagustuhan ko ang presentation nila dahil ang dami kong natutunan tungkol sa pamumuhay nung Panahon ng mga Kastila.
Sobrang galing ng mga costumes. Ang taas ng educational value.
4th - Katutubo
Ang cute ng mga animals
Humanga ako sa konsepto ng presentation. Di ko maiisip yon....Tapos Pasko naman ngayon, kaya OK na i-ugnay ang theme sa Pasko.
No comments:
Post a Comment